Default Thumbnail

Pinaghihinalaang tulak na may P1M na shabu nalambat

January 18, 2025 Christian D. Supnad 106 views

ORION, Bataan–Nasakote ng mga pulis sa bayang ito ang isang drug suspek na may pag-iingat na mahigit P1 million na halaga ng shabu bukod pa sa baril at bala na nasamsam sa suspek sa Brgy. Bilolo, Orion.

Sa report ni Major Madtaib Jalman, bagong hepe ng pulisya ng bayan, nasakote nila si Benedicto Lapidario Corpuz dahil sa paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Act).

Nakumpiska sa kanya ang 168 na grams ng shabu na may standard price na P1,142,400.

Lumabag din siya sa Omnibus Election Code dala ng pagkakakumpiska ng 22 cal. revolver magnum at 7 bala.

Nahuli ang suspek sa buy-bust matapos magbenta ng 1 sachet na naglalaman ng shabu sa pulis na poseur-buyer.

“Upon protective search another one piece knot-tied transparent plastic bag, 1 medium heat-sealed transparent plastic sachet containing shabu, P1,000 bill marked money and one 22 cal. revolver with 7 live ammunition were confiscated from the suspect,” sabi ni Maj. Jalman.