Posas

Pinaghihinalaang tulak laglag sa parak

March 14, 2025 Jojo C. Magsombol 128 views

ISANG hinihinalang tulak noong Miyerkules ang naaresto ng mga pulis sa isang police operation sa Brgy. Alangilan, Batangas City.

Ang suspek, ayon kay P/Lt. Col. Ira Morello, hepe ng pulisya ng Batangas City, kinilalang si alyas Muslim.

Bandang alas-10:40 ng gabi nagsagawa ng buy-bust ang Batangas City police at nahuli ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000; marked money na nagkakahalaga ng P100,000; cell phone, belt bag at cash money.

AUTHOR PROFILE