Pinagalitan ng ama; binatilyo, 17, nagbigti

December 12, 2022 Jonjon Reyes 130 views

POSIBLENG “napahiya” diumano sa kanyang kaibigang babae ang isang 17-anyos na binatilyo sa naging pagtatalo nito sa kanyang ama, habang kasama nito ang kanyang mga kaibigan sa Sampaloc, Maynila, Linggo ng gabi.

Ang biktima ay residente ng Sampaloc sa lungsod.

Base sa ulat na isinumute ni Det. Rodolfo Acosta, kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 9:50 ng gabi, nang makitang nakabigti ng kulay puting extension wire na nakasabit sa tubo ang biktima.

Agad umanong kinalas sa pagkakatali sa leeg ang biktima at saka binigyan ng first aid, ilang minuto pa lamang nang mapagpasiyahan na isugod ito sa Ospital ng Sampaloc, subalit dakong 10:30 ng gabi, nang ideklara itong patay ng attending physician.

Huling nakitang buhay ang binatilyo bandang 6:00 ng gabi habang nakikipagtalo umano ito sa kanyang ama.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung may “foul play” sa insidente habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya sa pinagdalhang morgue ng binatilyo.

AUTHOR PROFILE