Default Thumbnail

PILOT, STUDENT NADAMAY SA CESSNA CRASH

August 2, 2023 Jun I. Legaspi 148 views

NATAGPUAN na ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang Cessna plane na naiulat na nawawala Martes ng hapon sa matapos mag-take off sa Laoag City.

Batay sa ulat ng PAF, ang Cessna 152 plane (RPC-8598) ay natagpuan sa boundary ng Salvacion Luna at San Mariano Pudtol , Apayao.

Tinungo na ng ng medical at rescue team na lulan ng Black Hawk ng PAF ang crash site.

Kinumpirma din ng Cagayan Public Information Office (PIO) na natagpuan na din ang bangkay ng dalawang sakay ng eroplano na nakilalang sina Captain Edzel John Lumbao Tabuzo , piloto at estudiyante nitong si Anshum Rajkumar Konde, isang Indian national.

Matatandaang sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Office of the Civil Defense, ang Cessna 152 plane (RPC-8598) ay nakatakda sanang lumapag sa Tuguegarao airport dakong 12:30 ng hapon nitong Martes subalit hindi ito nakarating.

Hinala ng mga awtoridad ang aircraft ay posibleng nag-emergency landing o di kaya naman ay bumagsak sa lugar partikular na sa Apayao, Abra o Kalinga.

Huli umanong na-monitor ang aircraft sa 32 nautical miles ang layo mula sa Alcala, Cagayan.

Napag-alaman na ang aircraft ay pag-aari ng Echo Air International Aviation Academy Inc.

Nauna ng naiulat ang nasabing aircraft na nawala matapos umalis sa Laoag International Airport (LIA) Martes 12:16 a.m. Ang nasabing aircraft ay dapat sanang lumapag sa Tuguegarao Airport 3:16 p.m., ayon sa awtoridad.

Ayon sa record, ang huling position ng RP-C8958 ay 32 nautical miles (NM) northwest ng Alcala, Cagayan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Operation Center (OPECE) nakatanggap sila ng uncertainty message 2:49 p.m. Ang mensahe ay umakyat sa alert phase pagkatapos sa distress phase, ng 3:52 p.m., at 4:23 p.m ayon sa pagkakasunod nito.

Magkakasamang nagsagawa agad ng aksyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Philippine Air Force (PAF) at Philippine Army (PA) ng ground operation Martes.

Ang Philippine Cost Guard na may (call sign 1451) 5:52 a.m., ay pinalipad at nagsagawa ng aerial search Miyerkules (August 2, 2023) subalit bumalik ito dahil sa low ceiling (cloudy skies). Nina JUN I. LEGASPI & ZAIDA DELOS REYES

AUTHOR PROFILE