CAAP

Pilot ng nag-crash na eroplano todas na, pasahero hindi nakita

December 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 120 views

PATAY na ang piloto ng piper plane na nag-crash sa San Mariano, Isabela noong Nob. 30.

Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) batay sa ulat ng Incident Management Team. Hindi pa nakikita ang nag-iisang pasahero ng eroplano.

Sa ulat ng MIT, dakong alas-11:20 ng umaga nang marating ng mga parajumpers ang crash site at nakakita ang mga ito ng senyales na nakalabas pa ng eroplano ang pasahero nito.

“Unfortunately, the pilot of RP-C1234 was confirmed dead and the other passenger is still missing as of this time. Rescuing teams found signs that the passenger was able to camp out,” pahayag ng CAAP.

Dadalhin ang bangkay ng piloto sa helicopter landing zone bago ilipad sa Cauayan City sa December 8. NiNA ZAIDA DELOS REYES at JUN LEGASPI