
Pier 88 itinuring na ika-5th ‘anak’ nina Rep. Frasco at Sec. Frasco
“AS many of you may know my wife Christina gave birth to our four adorable and lovely children. However, what you may not know is that we actually have five children. Conceived in the year 2015 during my last term as Mayor of Liloan, born on March 22, 2019 during Christina’s first term as Mayor of Liloan. Raised with devotion and meticulous preparation by Ninong Eric and Kyle. I am most proud to present as any parent would do for their children. The Liloan Cebu Port Development Pier 88.”
Ito ang pahayag ni House Deputy Speaker at Cebu City 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa Pier 88 na kaniya ring tinawag na “landmark project” at bahagi na ng kanilang pamilya ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco.
Sa kaniyang mensahe sa idinaos na grand opening ng Pier 88, sinabi ni Rep. Frasco na malapit sa kanilang puso ang Pier 88 project na binalangkas noong 2015 sa kaniyang huling termino bilang Mayor ng Municipality ng Liloan at humalili naman sa kaniyang puwesto ang mag-bahay nitong si Secretary Frasco.
Binigyang diin ni Cong. Frasco na pinaghandaan nilang mabuti at naging metikoloso ang ginawang nilang preparasyon para lamang maisakatuparan ang Liloan Cebu Port Development Pier 88 na itinuturing nitong isang “mega project” dahil sa hitik na oportunidad na maibibigay nito para sa mga Cebuano.
Muling ipinahayag ni Frasco na ang pagbubukas ng Liloan Port o Pier88 ay magbibigay ng malaking pakinabang sa publiko o commuters mula sa lalawigan ng Bohol, Camotes Islands, Leyte at Cebu City.
Nauna ng sinabi ng kongresista na binalangkas ang proyekto ng Pier88 noong 2015 sa kaniyang huling termino bilang Mayor ng Liloan at inaprubahan naman ito noong 2017 nang siya naman ay Commissioner ng Cebu Port Authority at nagkaroon ng groundbreaking ceremony noong October 22, 2019.
Sa kaniyang talumpati, muling iginiit ni Frasco na layunin din ng Pier88 na maibsan ang matinding trapiko sa sentro ng Cebu City partikular na sa bayan ng Consolacion at Mandaue City sa pamamagitan ng pagkakaroon ng alternatibong transportasyon sa tulong ng “sea transport” mula Liloan papuntang Mactan at Cebu City.
Sinabi pa ni Frasco na malaking benepisyo ang maibibigay ng Pier88 para sa mga residente ng Cebu City na pumapasok sa kani-kanilang trabaho sapagkat mababawasan dito ang “travel time” patungko sa kanilang pinapasukan sa mga bayan ng Mandaue, Lapu-Lapu at Cebu.
“Not only will passengers be relieved of the stress and anxiety due to traffic. They will be able to relax knowing departure and arrival times are more certain while they take in the fresh sea breeze while aboard the ferries. Once they arrive in Mactan island or Cebu City, the passengers are just walking distance to the MEPZ and downtown Cebu City,” sabi ni kay Frasco sa kaniyang talumpati.