Maris

Pic ng couple shoes nilinaw ni Maris

November 4, 2024 Vinia Vivar 142 views

Sinagot na Maris Racal ang issue ng couple shoes nila ng ka-loveteam na si Anthony Jennings.

Matatandaan na nag-viral last September ang larawan ng MaThon wearing identical shoes (Adidas black and white Samba) habang nasa Italy sila filming “Incognito.”

Siyempre, dahil dito ay lalong uminit ang ispekulasyon na mukhang may something special nang namamagitan sa dalawa.

That time ay break na si Maris sa ex-boyfriend na si Rico Blanco habang si Anthony naman ay may tsikang on the rocks na rin ang relasyon sa non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva.

Hanggang nitong nakaraang October, lumutang na nga ang balitang tuluyuan na umanong naghiwalay sina Jam at Anthony.

Anyway, sa latest interview ni MJ Marfori ng TV5 kay Maris ay natanong sa aktres ang tungkol sa couple shoes.

Sagot ni Maris, “Actually, nagkataon lang talaga na same kami ng shoes.”

Dagdag pa niya, “Natawa na nga lang ako sa nangyari kasi nagkataon lang talaga na ganu’n ‘yung sapatos namin. Matagal na akong may ganu’ng sapatos, like, three years ago na or two.”

Ulit pa niya, “So, yeah, nagkasabay lang talaga.”

‘Yun na!

AUTHOR PROFILE