Pia Pia Moran

Pia umamin sa mga kasalanan

August 12, 2024 Aster Amoyo 108 views

IBINAHAGI ni Pia Moran, na binansagan noon na “Miss Body Language,” ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa buhay gaya ng pagkakasangkot sa aksidente at pagkakaroon ng “scandal.”

Sa “Updated with Nelson Canlas” podcast, ikinuwento ni Pia kung paano siya binansagang “Miss Body Language.”

“Nakikinig ako ng mga disco music, tapos narinig ko ‘yung ‘Body Language.’ ‘Yun, du’n ako nag-start, sinayaw ko ‘yung ‘Body Language’ on my own. Then sa Channel 7 yata talaga ako nag-start mag-guest nu’n, mga Joe Quirino, du’n ako tinawag na [Miss] Body Language. Kaya ako nagkaroon ng tatak na Body Language,” balik-tanaw niya.

Pero sa gitna ng kaniyang kasikatan, biglang nawala sa sirkulasyon ng showbiz si Pia. Ayon sa aktres, nasangkot siya sa aksidente at naapektuhan ang kaniyang mukha.

“Lesson sa akin ‘yung gano’n. Hindi ko gustong mangyari ‘yun. It’s a lesson. Ayaw ko man mangyari pero nangyari. Pero hindi ko na ginawa. Natuto ko sa ginawa kong pagkakamali sa sarili ko,” ani Pia na sinabing hindi niya kagustuhan ang nangyari.

Kasunod ng insidente, sinabi ni Pia na nagtago siya at nakaranas ng depresyon.

“Kaya lang nawala ‘yung pagkasikat ko, kasi noong naaksidente ako, nagtago na ako, na-depress talaga ako rito. Sabi ko sa isip ko, sa tagal kong nagtago, hinanap talaga ako… depressed na depressed ako. Nagkaroon ako ng scandal din dati noong araw. Nag-vice rin ako dati, na-experience ko lahat ‘yan,” pag-amin pa ni Pia.

Hinarap ni Pia ang mga problema na dumating sa kaniyang buhay.

“Noong naaksidente ako, siguro kasalanan ko, Lord. Patawarin mo na lang ako. Accept it. Yung scandal, pagkakamali mo sa sarili ‘yun. Ginawa mo ‘yun. Hindi mo naman gusto ilabas ‘yun, pero nangyari. Kapabayaan ko rin ‘yun. ‘Yung mga mali kong ginawa sa buhay, tinanggal ko na. At hindi ko na uulitin pa,” sabi pa ni Pia.

Ayon pa sa aktres, kailangan na tanggapin ang pagkakamali at magbago muli rito.

“Kasi, siyempre, ‘pag bata ka pa, may mga makakasama kang iba’t ibang tao. Hindi ko [sinisi] sa ibang tao ‘yung pagkakamali ko o nagalit ako. Kaya wala sa puso ko ‘yung ganun eh,” pagpapatuloy ni Pia.

Naniniwala si Pia, 61-anyos na ngayon, na nakatulong ang pagtanggap niya sa kaniyang pagkakamali sa halip na kimkimin ang sama ng loob kaya napanatili niya ang maayos niyang pangangatawan.

“So lahat tinanggap ko, lahat ng pagkakamali ko, hindi ko itinago. Kasi kung minahal ko ‘yan at kinimkim ko, siguro hindi ganito hitsura ko. Kaya siguro kahit na edad ko ganito, be yourself, maging totoo ka, tanggalin mo lang ‘yung mga vice na attitude mong hindi magaganda. Tanggalin mo na sa life mo. Kasi I’m senior na. At least, you know, wala akong maintenance at my age,” dagdag pa niya.

Hanggang ngayon, sinabi ni Pia na nakakapagsayaw pa rin siya.

Nagbalik-showbiz na rin si Pia at nakatakdang ipalabas ang kaniyang pelikula na “Lola Magdalena,” na kasama sina Gloria Diaz, Liza Lorena, Perla Bautista, Sunshine Cruz, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Karylle inalala ang pagmamahal ng ama

Karylle
Karylle

INANUNSYO noong August 11, ng It’s Showtime host na si Karylle ang pagpanaw ng kanyang ama na si Modesto Tatlonghari.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Karylle ang ilang larawan sa simbahan at ang misang isinagawa para sa yumaong ama.

Inalala rin ni Karylle ang pagmamahal ng ama sa kanyang madamdaming mensahe.

“It is with profound sadness that I announce the passing of my dad, Papa M, Doc, Dr. ‘M,’ Moy, Tito M… He was a beloved man who lived life fully. Always a presence in a room, while also making sure everyone felt seen and heard. He, too, was always seen and heard with his handsome “cute” face, youthful porma, and booming voice,” sulat ni Karylle.

Pagpapatuloy niya, “He was a great guy, always brightening up people’s days. A Baguio boy (and Laguna lad!) at heart and topnotcher at the dental board, he loved basketball and his no-look shot.

“He loved picnics and always had a neon pink frisbee and a basketball in the trunk of a lift back. It always needed to be a lift back so you could instantly turn any road trip into a cute picnic of some sort.”

Sa kanyang mensahe, ipinarating din ni Karylle kung gaano siya kaswerte sa kanyang ama.

“His philosophy in life was that if your white rubber shoes (or sneakers) weren’t dirty enough, it meant you didn’t play or have enough fun. Fun! He was always in for the fun! High attendance and truly present in school events, Tito M was everyone’s dream dad. I was always lucky coz he was my dad,” ani Karylle.

Nagpaabot naman ng pakikiramay kay Karylle ang ilang celebrities tulad nina Sharon Cuneta, Amy Perez, Benjamin Alves, Lea Salonga, Pops Fernandez, Sherilyn Reyes-Tan, Angeline Quinto, at Darren Espanto.

Mother Lily naihimlay na, pakikiramay ng mga film industry bumuhos

NAIHATID na sa kanyang huling hantungan noong nakaraang Sabado ng umaga ang matriarch ng Regal Entertainment na si Mother Lily Monteverde matapos pumanaw sa edad 84 noong August 4..

Nag-misa muna sa tahanan ng mga Monteverde, bago inihimlay ang mga labi ni Mother Lily sa The Heritage Park sa Taguig City.

Bumuhos ang pakikiramay at pagmamahal ng mga taga-industriya para kay Mother Lily sa huling pagkakataon.

Bago siya ilibing, muling nagdaos ng isa pang misa.

Pinamahalaan ni Mother Lily ang Regal Films sa paggawa ng mga blockbuster movie, kabilang ang iconic na Mano Po series at Shake, Rattle & Roll film franchise.

Mula rin sa Regal ang mga award-winning at critically acclaimed films tulad ng City After Dark, Salawahan, Sister Stella L, Relasyon, Broken Marriage, Pahiram ng Isang Umaga, Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit, Hinugot Sa Langit, Teenage Marriage, Once Upon A Time, Scorpio Nights, Kid Huwag Kang Susuko, Tiyanak, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Sinungaling Mong Puso, Makiusap Ka Sa Diyos, Tuhog, Sana Pag-ibig Na, Minsan May Isang Ina, Sabel, Nagbabagang Luha, Aishite Imasu 1941: Mahal Kita, Makati Ave: Office Girls, Sa Ngalan Ng Pag-ibig, Iisa Pa Lamang, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Kriminal Ng Barrio Concepcion, Minsan May Isang Puso, Pila Balde, Live Show at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE