
Pia, nairita sa “baby” question: I find these questions so personal
Hindi pala type ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na natatanong siya kung kailan siya magkakaroon ng baby.
Nagpa-Q&A si Pia sa kanyang Instagram at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung kailan nila pinaplanong magka-baby ng asawang si Jeremy Jauncey.
Aniya ay masyadong personal ang ganitong tanong na kung bakit parati na lang itinatanong sa kanya ngayon.
“I guess I’ll start with this because literally every 4 questions I get, there’s one question about us having kids. Honestly, I find these questions so personal… I wonder why this is considered a normal thing to ask though? First, it was ‘Kelan ka mag-aasawa?’ (when are you getting married?) now it’s constantly ‘kelan kayo magkakaanak?’ (when are you having kids?),” saad ni Pia.
Matatandaang ikinasal sina Pia and Jeremy nito lang March, 2023. Kasalukuyang nasa Dubai sila naninirahan dahil narooon ang business ng huli.
May nagtanong din kung kumusta ang buhay niya sa Dubai at aniya ay very much okay.
“My favorite thing about Dubai is that it is such a safe city to be in.. (compared to a lot of major cities in the world). People have this misconception that you can’t express yourself, you can’t dress a certain way, you can’t travel witn your boyfriend, it’s unsafe…NOT TRUE.
“Dubai is safe and there’s lots to do! I love living here,” pahayag ng beauty queen.