Kisses

Pia bilib kay Kisses kahit natalo

October 3, 2021 Aster Amoyo 494 views

HINDI man pumasok sa Top 5 ang ex-PBB housemate-turned actress na si Kisses Delavin (22), nakapasok naman siya sa Top 10 (out of 28 candidates) sa recently-concluded Miss Universe Philippines na ginanap sa Henann Resort Convention Center in Alona Beach, Panglao, Bohol last September 30 at kung saan ang kinatawan ng Cebu na si Beatrice Luigi Gomez ang kinoronahang 2021 Miss Universe Philippines.

Despite her failure to make it to the Top 5, napansin siya ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach at siya’y nag-post sa kanyang Instagram account.

“Kisses blossomed into a woman right before our eyes. She nailed that styling!,” mensahe ni Pia.

It was a good try and experience for Kisses. Since 22 pa lamang siya, may chance pa siya sa ibang national beauty pageants tulad ng Bb. Pilipinas, Miss World Philippines at puwede rin siyang umulit sa Miss Universe Philippines in the future.

Ngayong tapos na ang coronation night ng 2021 Miss Universe Philippines, haharapin naman ni Kisses ang kanyang acting career sa bakuran ng GMA kung saan siya lumipat from Star Magic ng ABS-CBN.

Drew & IyaDrew at Iya sabay na pinabinyagan ang dalawang anak

SABAY na pinabinyangan ng mag-asawang Drew Arellano (41) at Iya Villania-Arellano (35) ang kanilang second and youngest child na sina Alonzo Leon (3) at Alana Lauren (1) last Saturday, October 2.

The couple who have been married for over 7 years now has three kids. Ang kanilang panganay na si Antonio Primo ay limang taong gulang na.

Ang mag-asawang Kapuso hosts ay ikinasal nung January 31, 2014 after ten years in a relationship. Si Iya ay entertainment segment host ng primetime news program ng GMA, ang “24 Oras” habang si Drew ay napapanood naman sa dalawang weekly programs, ang “Aha!” at “Biyahe ni Drew”.

JhongJhong kakandidato uli

NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang singer, dancer-actor at politician na si Jhong Hilario last Friday, October 1 na muling tatakbo sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Makati City sa 2022 elections.

Kung matatandaan pa, siya ang nanguna sa mga konsehal ng first district ng Makati nang siya’y tumakbo sa una niyang termino last 2019 elections.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagre-report sa kanyang hosting job sa noontime show na “It’s Showtime” si Jhong bilang protection sa kanyang first baby na si Sarina maging sa kanyang parents na pareho nang senior citizens. Nag-quit din siya sa bagong season ng singing and impersonation competition, ang “Your Face Sounds Familiar” for same reason.

MajaMaja ‘di makapaniwalang nasa ‘Eat Bulaga’ na

ANG tinaguriang ~Queen of the Dance Floor,” ang singer-actress na si Maja Salvador ang pinakabagong dabarkad ng top-rating and longest-running noontime show (42 years), ang “Eat Bulaga”. She was welcomed to the show last Saturday, October 2 kung saan siya ay magiging segment host sa isang dance segment ng programa.

Hindi ikinakaila ni Maja na big follower umano siya ng noontime show since she was a kid at big fan din umano siya noon ng Streetboys na madalas mapanood sa programa. Inamin din ang actress-dancer na kamuntik din umano siyang sumali noon sa “Little Miss Philippines” segment ng “Eat Bulaga” pero wala umano silang pamasahe ng kanyang ina.

Kaya hindi halos makapaniwala si Maja na magiging bahagi siya ng programa.

Si Maja ay naging bahagi ng Star Magic ng ABS-CBN mula 2003 hanggang 2020. Early this year ay nagtayo siya ng talent management company sa tulong ng kanyang boyfriend na si Rambo Nunez at ina nitong si Marilen Nunez, ang Crown Artist Management na siyang nangangasiwa ng kanyang career ngayon maging ng comebacking actor na si John Lloyd Cruz.

Bukas, araw ng Martes, October 5 ay 33rd birthday ni Maja kaya tiyak na may special na palabas ang “Eat Bulaga.”

Kasunod na rin kaya rito ng paggawa niya ng serye sa Kapuso network?

JerickaErap nakita na ang pinakabagong apo

NUNG September 18, 2021 isinilang ni Jerika Ejercito ang kanyang pang-limang anak na si Marta Eleanor, her fourth sa kanyang Spanish husband na si Miguel Aguilar Garcia. Ang youngest grandchild ay nakita na rin finally ng kanyang ‘Daddylo,’ ang dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph `Erap’ Estrada.

Si Jerika ay panganay sa tatlong anak ni dating Pangulong Erap sa dating actress na si Laarni Enriquez. Ang dalawa niyang younger siblings ay sina Jake at Jacob.

Si dating Pangulong Erap ay may isa ring apo kay Jake, ang 9-year-old na si Ellie Eigenmann, anak ng actor sa Siargao-based actress na si Andi Eigenmann.

Marami pang aabangang magpa-file ng COC

SINCE sa Biyernes, October 8 pa ang last filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2022 elections, tiyak na marami pang candidates ang hahabol at kasama na rito ang mga taga-showbiz.

Umatras na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang planong pagtakbo sa pagka-Vice President kaya ang kanyang Executive Assistant na si Sen. Bong Go ang nag-file ng kanyang kandidatura sa pagka-VP na sinamahan pa mismo ni Pres. Duterte nang ito’y mag-file ng COC last Saturday. Hinihintay naman ng marami ang pagpa-file sa pagka-Pangulo ni VP Leni Robredo, maging ng iba pang Presidentiables na sina Sen. Panfilo Lacson at former Sen. Bongbong Marcos. Marami naman ang naniniwala na last minute umano ang magiging desisyon ni Davao Mayor Sara Duterte na inaasahang tatakbo sa pagka-Presidente ng kanyang mga supporters.

Marami rin ang naniniwala na tiyak na mahahahati na naman ang boto ng half-siblings na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. JV Ejercito na parehong tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng magkaibang partido.

Ang darating na halalan ay magiging challenge sa lahat – sa Commission on Elections (COMELEC), mga kandidato maging sa mga botante dahil ito ang kauna-unahang halalan sa ilalim ng pandemya.

Subscribe, like, share and hit the bill icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE