Default Thumbnail

Philippine Economic Briefing, makabuluhan!

August 20, 2023 Vic Reyes 103 views

Vic ReyesKamakailan ay ginanap ang makabuluhang “Philippine Economic Briefing” sa Cebu City, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Ang briefing ay sponsored ng Bangko Sentral ng Pilipinas-Investor Relations Group (BSP-IRG) at Department of Finance (DOF) na pinamumunuan ni Secretary Benjamin Diokno.

Ginanap noong Agosto 11 sa kilalang Marco Polo Plaza, ang economic briefing ay dinaluhan ng mga prominenteng lider, matataas na opisyal ng gobyerno at ilang industry experts.

Ang tema ng isang araw na pagtitipon ay “Agenda for Posterity: Economic Transformation Towards Inclusivity and Sustainability,” ayon pa sa report ng BOC.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Port of Cebu District Collector Ricardo Uy Morales II na determinado silang i-promote ang “economic growth and stability” ng rehiyon.

“Attending the briefing,”he said, “demonstrated Port of Cebu’s dedication in facilitating international trade…and contributing to the attainment of the goals of the national economic transformation.”

Isang malaking karangalan ng Port of Cebu na makatulong sa matagumpay na pagdaos ng isang araw na “Philippine economic briefing” sa syudad ng Cebu, dagdag ni Morales.

“Our unwavering commitment to secure efficient customs practices directly aligns with the goals of…sustainability and reinforces our contribution to a robust Philippine economy.”

Si Morales ay bagong upong district collector ng Port of Cebu.

Inaasahang lalo pang gaganda ang performance ng mga tauhan ni Collector Morales sa mga susunod na araw, ayon sa mga waterfront observers sa Port of Cebu.

***

Kagaya ng inaasahan, lalong pinaigting ng Port of Iloilo ang kampanya laban sa iligal na pagpasaok ng mga produkto sa nasabing collection district ng Bureau of Customs (BOC).

Noon ngang Agosto 16 ay isinalin ng Port of Iloilo sa pangangalaga ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga nakumpiskang poker chips.

“The disposal of 360 poker chips with various denominations and other gambling paraphernalia is pursuant to CTMA and Customs Administrative Order No. 03-2020,” sabi ni District Collector Giovanni N. Imaysay.

Ang mga poker chips at gambling paraphernalia ay tinanggap ni PAGCOR Treasury officer Arturo Badiulla Jr. sa isang seremonya sa Iloilo Customshouse Building, Iloilo City.

Ang turnover ceremony ay dinaluhan din ng mga taga-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at COA resident auditor.

Ang mga poker chips at gambling paraphernalia ay nakumpiska sa Kalibo International Airport at Boracay Airport noong November 2022 at January 2023, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ni Collector Imaysay na ang Port of Iloilo “remains committed in strengthening border control against the entry of prohibited goods in Western Visayas.”

Dapat lang dahil ito ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcois Jr. at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na parehong taga-Ilocos Norte.

***

Kahit na paminsan-minsang umuulan, dama pa rin ang sobrang init ng panahon.

Sakit ito sa ulo ng maraming magsasaka dahil madaling matuyo ang lupa sa bukid kaya napipilitan silang gumamit ng generator para tubigan ang kanilang mga pananim.

Magastos ito dahil tumataas pa rin ang presyo ng gasolina at krudo.

Siguradong wala na naman daw silang kikitain pagkatapos ng anihan.

Sana daw ay mabigyan sila ng ayuda ng gobyerno para hindi sila magutom.

Hindi na raw kaaya-aya ang maging magsasaka dahil madalas na lugi rin naman sila.

Ang mabuti ay maghanap na lang daw sila ng bagong mapagkikitaan.

Siguradong hindi papayagan ni Pangulong Marcos na magutom ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang nagtatrabaho sa bukid.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: Tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE