Philhealth GANITO PO–Si Arturo Ardiente, Field Operations Division Chief (nakatayo), habang nagbibigay ng impormasyon sa kanilang dagdag benepisyo sa presscon noong Biyernes.

Philhealth nanawagan sa mga miyembro na magpatala

June 22, 2024 Gil Aman 156 views

NANAWAGAN ang Philhealth Regional Office IV A sa mga miyembro na samantalahin ang pagpapatala para maka-avail ng 30 percent dagdag benepisyo.

Sa press conference sa Local Health Insurance Office (LHIO) sa San Pablo City noong Biyernes, ipinaliwanag ng mga opisyal ng Philhealth na pinalawak ang mga benepisyo para sa mga Filipino.

Ayon kay Arturo Ardiente, Field Operations Division Chief, na simula noong 2023 kabilang sa packages ng ahensiya ang Outpatient Mental Health Package, Z Benefits para sa Orthopedic Implants, 171 percent na pagtaas ng benepisyo para sa Ischemic Stroke, 156 Hemodialysis session na may P405 na benepisyo sa buong taon, 182 pagtaas ng benepisyo para sa High-risk Pneumonia na dating P32 na ngayon P90,100 at 110 pagtaas ng benepisyo para sa Hemorrhagic Stroke mula P36,000 at ngayon P80,000 na.

Sinabi ng Philhealth official na bukas sa mga boluntaryong miyembro na naantala sa kanilang pagbabayad na ipagpatuloy ang kanilang bayad dahil hindi na muna kasama ang penalty dahil sa Universal Health Care na isinabatas.

AUTHOR PROFILE