PH may bagong 3,878 licensed social workers–PRC
INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na 3,878 ang pumasa sa 6,833 na sumailalim sa pagsusulit ng Licensure Examination for Social Workers na isinagawa ng Board for Social Workers sa National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Kidapawan, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga City noong Setyembre 2023.
Si Patricia Marie Imperial ng University of the Philippines ang nanguna sa exam na may 88.60 percent rate.
Sa mga paaralan na may mga nag-exam, ang Caraga State University-Butuan City ang nanguna na may 100 percent passing rate mula sa 94 na examinees.
Sina Lorna C. Gabad, chairman; Rosetta G. Palma, Fe J. Sinsona at Ely B. Acosta, mga miyembro ang mga miyembro ng Board for Social Workers.
Inilabas ang resulta ng pagsusulit sa loob ng tatlong araw mula sa huling araw ng pagsusulit.