Balisacan

PH Dev’t plan nakatuon sa dagdag trabaho, paglaban sa kahirapan

August 13, 2024 PS Jun M. Sarmiento 64 views

TARGET NG administrasyon Marcos ang makapagbigay ng mataas ng kalidad ng trabaho at mapababa ang kahirapan na dinadanas ng mamamayan sa bansa.

Ito ang tinuaran ng kalihim ng Economic Planning na si Arsenio Balisacan kung saan ay tuwiran nitong sinabi na ang Philippine Development Plan ay nakatuon upang magkaroon ng tamang transpormasyon sa kasalukuyan dinadanas na maraming mangagawang Pilipino na nais magkaroon ng mataas ng kalidad nang hanapbuhay na sasapat sa kanilang mga pangangailangan, gayundin ang target na mapababa ang hamon ng kahirapan dinadanas ng marami nating kababayan.

Sa gitan na pagdinig kung saan ay tinatalakay ang 2025 National Budget and nirerebisa ito sa pamamagitan ng Development Budget Coordinating Committee sa pamumuno ni Dept. Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman, sinabi nitong tama ang mga tinuran ni Balisacan kung saan ay iginiit ng huli na nakatuon ang ating pamahalaan upang palakasin ang ating mga mangagawa at bigyan ito ng mga karagadagan na kaalaman upang madagdagan ang kakayahan sa makabagong hamon ng mundo ng teknolohiya.

Ayon Balisacan hindi aniya maitatago ang paglaki ng ating kakayahan sa pag akyat ng investment na sumampa ng 6 percent sa growth potential ng bansa sa panahon ng kasalukuyan administrasyon ng Pangulong Marcos jr. Gayunman, inaasahan din aniya ni Balisacan na mabibigyan ng kahandaan ang nais ng Pangulo sa mga imprastraktura ng bansa na mas makadadagdag ng paglago ng ekonomiya.

“The growth potentia of the country is around 6 percent, and the country needs to invest in major infrastructure to increase the efficiency of the economy in order to improve the capital output ratio. Additionally, solving the infrastructure bottleneck will provide the country greater economic growth potential.” ani Balisacan.

Para naman kay Pangandaman ang galeng nga mga Pilipino ay hindi matatawaran at ito ang isa sa mga capital na sinasandalan nang ating bansa sa kasalukuyan.

“The pillars of growth are human capital (individuals and families), Production sector transformation (enabling high quality outputs), and creating an enabling environment through digitalization of governance, quality of governance, peace and security, and justice.” ani Pangandaman kung saan ay sinabi niyang dapat pag yamanin at tulungan ang ating mga mangagawang Pilipino na mas lumawak pa at madagdagan ang kaalaman sa maraming aspeto lalot sa teknolohiya.

Kampante naman si dating Senador at kasalukuyang kalihim ng Finance na si Sec. Ralph Recto na isa rin sa mga nakaupo sa Central Bank’s policymaking Monetary Board kung saan ay ipinunto niya na maisasagawa ang tinatawag na rate cuts ngayon darating na taun na siyang magiging tuntungan para humina ang inflation na dinadanas ng bansa.

Wala din nakikitang dahilan si Recto para mag alala ng husto sa kasalukuyan ekonomiya ng bansa lalot nakababayad aniya ang Pilipinas sa pagkaka utang na nag ugat mula sa dating administrasyon ng dating Pangulong Duterte.

Inaasahan ani Recto ang economic growth o paglago ng ekonomiya dulot ng ating masigasig na pagbabayad ng utang na sinapo sa dating administrasyon na ngayon ay bumaba na sa P14.93 trillion nuong nakaraang Marso at regular na nababayaran ng ating pamahalaan ang obligasyon na ito ng walang palya.

“Hindi po tayo dapat mabahala sapagkat ang mga inutang sa nakaraan ay nababayaran at dahilan kung bakit pumapasok na karagdagan kita para sa ating mga kababayan,” ani Recto kung saan ay ipinagmalaki nito ang kasalukuyan Philippine GDP growth na sumampa sa 6.3 percent sa second quarter.

Humarap din sa pagdinig ang Philippine Central Bank Governor Eli Remolona kung saan ay sinabi nitong kumpiyansa siyang malalabanan ng bansa ang mga dinadanas na inflation na para sa kanya ay kontrolado naman dahil sa monetary at non monetary measures na ginagawa ng pamahalaan sa kasalukuyan. Inilahad din niya ang posibilidad na mabawasan ang taas ng interest rate na siyang nagpapahirap sa maraming negosyante at sinigurado niyang maisasaayos ito sa mga darating na buwan para aniya makaluwag ang ating mga namumuhunan.

“We will have room to ease the policy rate,” paniniguro ni Remolona sa harap ng mga senador.

Mismong si Sen. Cynthia Villar ang nagpahayag ng pagkabahala sa taas ng interest rates na iniaangal umano ng maraming negosyante sa bansa. Sina Villar ang itinuturin na isa sa pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas dahil sa ibat ibang negosyo nito mula sa subdivision, mga malls etc.

“You should consider bringing down the interest rate,” giit ni Sen. Cynthia Villar na naniniwalang malaking tulong ito sa maraming negosyante kapag nangyari ang pagbaba nito.

Para naman kay Senator Loren Legarda , good news na rin na maituturin kung totoong maisasagawa ang rate cut lalot sa maraming negosyo.

Ayon naman kay Senate Finance Committee chair Sen. Grace Poe inaasahan niya na ang national budget at ang pinagtutuunan ng administrasyon na matugunan ang matinding mga pangangailangan ng ating mamamayan ay hindi makakaligtaan sa ibat ibang prioridad ng ibat ibang departamento ng gobyerno.