BBM Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

PH DAPAT MAGHANDA — PBBM

June 11, 2024 Chona Yu 90 views

Sa dumadaming external threats

PINAGHAHANDA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Pilipinas sa gitna ng dumadaming banta o external threats bunga ng lumalalang geopolitical tension sa Indo-Pacific.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, sinabi nito na nakababahala na ng husto ang banta sa seguridad.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na malapit ang Pilipinas sa Taiwan kung kaya hindi ito maaaring pag-interesan ng China.

Kaya mahalaga, ayon sa Pangulo, na maging handa ang pwersa lalo na sa parte ng norte ng Pilipinas.

“And that is why — the external threat now has become more pronounced, has become more worrisome. And that is why we have to prepare,” pahayag ni Pangulong Marcos sa mga sundalo.

“So, that is the mission that you have before you. Now, you have two missions, whereas before it was only internal security,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, bukod sa reorientation ay kailangang mas maging matatag ang commitment ng liderato ng bansa upang ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.

Bunsod ng kaganapan sa geopolitical landscape at mga bagong emerging threats, minabuti ng pamahalaan na isama ang Cagayan Valley region bilang isa sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites at magkaroon ng kolaborasyon sa Amerika na siyang closest military ally ng Pilipinas.

Muli ring binigyang diin ni Pangulong Marcos na hindi kailanman papayag ang Pilipinas na makuha ang kahit isang pulgada na pag-aaring teritoryo ng bansa.

“We are not trying to take territory. We are not trying to redraw the lines of sovereign territory, the EEZ (exclusive economic zone), the baseline,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Hindi natin binabago anything na kahit isang — not even one inch. Ngunit hindi tayo puwedeng pumayag na kukunin naman ‘yan sa atin,” dagdag ng Pangulo.

AUTHOR PROFILE