Guevarra Tinatanggap ni PGFlex CEO Nelson Guevarra ang kanyang mga Certificate of Recognition mula kina Commo, Bro. Joy Conde Puno, Dir. ng Auxiliary Squadron at District NCR CL Director Radm Ed Iquival ng PCG.Tinanggap din ni Guevarra ang kanyang Loyalty Award mula kay dating PNP chief, Police General Guillermo Eleazar matapos ganapin ang NCRPO Press club 6th founding anniversary sa pamumuno ni Lily Reyes sa National Press Club, Intramuros Manila. Kuha ni JONJON REYES

PGFlex CEO umani ng papuri, loyalty award

December 22, 2021 Francis Naguit 525 views

KAMAKAILAN ay nagsagawa ng 110 Coast Guard Auxiliary Squadron ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pamumuno nina Commodore Bro. Joy Conde Puno, Director ng Auxiliary Squadron at Coast Guard Auxiliary District NCR-CL Director Radm Ed Iquival ng PCGA.

Kabilang sa mga naparangalan at nakatangap ng medalya at plaque ay si PGFlex CEO Nelson Guevarra dahil sa walang sawa nitong pagtulong at pagsuporta sa mga programa ng PCG. at kabilang siya sa mga official at founding officer ng PCGA..

Laking pasasalamat naman ni Guevarra sa kanyang natanggap na medalya at plaque sa ginanap na 110th Coast Guard Auxiliary Squadron. Aniya, nakahanda siyang tumulong lagi at hindi ito magsasawa sa pagsuporta sa pamunuan ng PCG lalo na sa mga biktima ni Super Typhoon Odette sa Visayas at Mindanao.

Samantala nagsagawa din ang NCRPO Press Club ng kanilang ika-6th founding anniversary celebration sa pamumuno ni Lily Reyes kung saan kabilang si Guevarra sa mga naparangalan ng loyalty award.

Kasama rin sa mga panauhin sina dating PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, DENR Usec. Benny Antiporda, MMDA Col. Edison Bong Nebrija, FFCCCII Vice President Dr. Cecilio Pedro, Brgy. Chairman Jefferson Lau at Jaime Ching. Ginanap ang nasabing pagdiriwang noong Disyembre 15, 2021 sa tanggapan ng National Press Club sa Intramuros, Manila.

Si Guevarra ay chairman ng External Affairs ng FFCCCII. Simula pa noong COVID-19 pandemic, isa si Guevarra sa mga nagpadala agad ng tulong sa mahigit isang milyong individual. Maging mga LGU, NGO at mga mamamahayag ay kanyang natulungan.

Ang kanyang program sa pagtulong ay may temang,”WE HEAL AS ONE. Para sa Bayan.” Nina FRANCIS NAGUIT & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE