PFP, NP magsasanib pwersa na rin
LALO pang lumakas ang Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ito ay matapos ang pakikipag-alyansa ng PFP sa Nacionalista Party na gaganapin sa Agosto 7 sa Bonifacio Global City, Taguig.
Dadaluhan ni Pangulong Marcos ang alliance signing, kasama ang chairman ng NP na si dating senador Manny Villar.
Una nang nakipag alyansa ang Partido Federal ng Pilipinas sa National Unity Party, Lakas-CMD, at Nationalist People’s Coalition.
Paghahanda ito para sa paparating na 2025 national election.