PFP-NP magkaalyado na
SELYADO na ang alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Nacionalista Party ni dating Senate President Manny Villar.
Ayon kay Pangulong Marcos, kung sino man ang mananalo sa 2025 midterm elections kinakailangang matutong isantabi ang personal na hindi pagkakaunawaan.
“Kaya tamang-tama dahil nga ang kasabihan sa NP higit sa lahat, ang bayan. At ‘yan ang ating sinusundan na pag-iisip.
And that is why we are here today to formalize this relationship and to prepare ourselves to make sure that the leadership that will come, that will win after the election–the midterm election next year are the leaders who understand that we must put our partisan, our personal differences aside, whatever they may be,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Mayroong malaki, mayroong maliit. Ngunit, ang pinakamahalaga ay magkasundo tayo kung ano man ang pinakamaganda para matulungan natin ang ating mga kababayan,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Una nang nakipag-alyansa ang PFP sa Lakas-CMD, National Unity Party, Nationalist People’s Coalition.
Ayon kay NP spokesman Surigao del Norte Congressman Ace Barbers, nasa 28 ang incumbent NP members ngayon at mayroong 10 governors.