PFGBA Malugod na tinanggap nina Chief District Directorial Staff P/Col. Arnold Thomas Ibay, DCAD Acting Chief P/Lt. Col. Carlo Magno Manuel, at District Logistic Division Chief P/Col. Igmedio Bernaldez ang mga donasyon mula sa PFGBA. Kuha ni Jon-jon Reyes

PFGBA inendorso sa MPD donasyon para sa mga biktima ng lindol

August 4, 2022 Jonjon Reyes 509 views

PERSONAL na itinurn over ng grupong Philippine Fujian General Business Association (PFGBA) ang mahigit sa 30 boxes na mga instant noddles sa himpilan ng Manila Police District (MPD) Headquarters sa pamumuno ni President Cesar Go kasama sina Allan Lim, Jhonson Chua, Vincent Chan, at Joseph Chua.

Pormal namang tinanggap nina P/Col. Arnold Thomas Ibay, chief, District Directorial Staff; P/Col. Carlo Magno Manuel, acting chief ng DCAD (District Community Affairs Development Division); at P/Col. Igmedio Bernaldez, chief, District Logistic Division ang mga donasyon mula sa mga Filipino-Chinese.

Lubos naman ang pasasalamat ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco sa mga kababayang Chinoy na walang sawang sumusuporta at tumulong maging sa panahon ng kalamidad at para maipadala sa mga biktima ng lindol sa Hilagang Luzon matapos tamaan ng magnitude 7 na lindol kamakailan.

Agad namang intasan ni Francisco ang mga pulis Maynila na ayusin nat iproseso ang mga donasyon kabilang ang mga groceries, bigas at ilang mga gamit para maipadala agad sa mga nangangailangan sa madaling panahon.

AUTHOR PROFILE