‘PESO on the Road’ job fair isinagawa sa Sta. Cruz

September 14, 2022 Edd Reyes 111 views

MULING nagsagawa ang Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod ng Maynila ng panibagong pagtulong sa mga Manilenyong naghahanap ng trabaho na isinagawa naman sa covered court ng Barangay 178 sa Sta. Cruz, Maynila araw ng Miyerkules.

Ang pagsasagawa ng job fair sa labas ng PESO Annex sa loob ng Park N’ Ride Building sa Arroceros St. ay isang inisyatiba nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto upang ilapit ang mga kumpanyang tumatanggap ng empleyado sa mga humahanap ng trabaho.

Ayon kay PESO Director Fernand Bermejo, bahagi rin ito ng kanilang “PESO on the Road: Barangay Job Fair 2022” kung saan ang mga naghahanap ng trabaho ay magiging madali ng makapag-apply dahil ang mga kumpanyang naghahanap ng mga kawani ay inilapit na ng Pamahalaang Lungsod sa kanila.

Nagsimula ang naturang aktibidad ng alas-10 ng umaga at natapos dakong alas-2 ng hapon kung saan ang mga lumahok na kumpanya ay nag-alok ng mga trabahong tulad ng warehouse specialist, supervisors, cashier, promodizer, human resource staff, imports documentation staff, at marami pang iba.

Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Mayor Honey sa mga pribadong kumpanya, malalaking tindahan ng mga produktong pagkain, at iba pang mga negosyanteng lumahok sa isinagawang job fair dahil maraming mga aplikante ang kaagad natanggap sa trabahong kanilang inaplayan.

AUTHOR PROFILE