
Perpektong pantasya
MAPAPALINGON sa kanyang latest post ang sino mang magtatangkang bumisita sa kanya sa social media dahil sa lakas ng hatak ng karisma ng model-actress na si Loisa Andalio.
Sa Instagram page ng aktres, kinabaliwan ang mga ibinahagi nitong larawan nang magtampisaw siya sa ppool.
Angat ang kaseksihan ng aktres sa mga bikini photos.
Perfect ang timpla ng kanyang katawan at ganda sa suot na two-piece swimwear.
Habang nag-e-enjoy sa pagligo sa swimming pool si Loisa, enjoy rin ang mga male fans sa view.
Noon pa man ay pantasya na ng mga kelot si Loisa sa pagiging bombshell nito. Magpahanggang ngayon ay hindi patitinag ang mga ito kahit na binabakuran na si Loisa ng kanyang nobyong aktor na si Ronnie Alonte.
Sa comment section nga ng nasabing post ay pinagkaguluhan ang hotness ng aktres. Bet na bet nilang ma-meet sa personal si Loisa at masaksihan ang beauty nito ng malapitan.