
Perfect match
SEDDY Ceandro, pinainit ang dalampasigan sa kanyang nakakapaso at superb beach outfit! Sa kanyang latest post, nagpasilip siya ng malupit na kurbada habang effortless na nagpapaulan ng alindog sa tabi ng dagat.
Walang duda, perfect match siya sa maalon pero kalmadong tanawin parang siya mismo ang reyna ng karagatan!
Hagip na hagip sa litrato ang kanyang nakakapanghingalong aura, dahilan para humiyaw ang netizens sa init! Inanod ng heart at fire emojis ang naturang post.
Mukhang hindi lang alon ng dagat ang malakas kundi pati alon ng tukso at paghanga mula sa madla, sumasampa! Kahit na may coconut emoji sa caption, walang kahit anong prutas ang kayang pumantay sa kanyang tamis at pang-aakit!