Dabarkads

Pera, ’di isyu sa ‘Eat Bulaga’

January 21, 2022 People's Tonight 346 views

MARUNONG mag-alaga ng mga tao, staff at hosts ang Eat Bulaga kaya naman patuloy pa rin silang namamayani sa ere.

Eh, gaya ng isang blocktimer, nakakaranas din ito ng hirap sa finances.

Pero kahit na nga dumarating ang panahon na walang suweldo ang lahat, may mga bawi namang nagagawa ang producers para manatili sila sa programa.

Sa totoo lang, may problema rin sa finances ang Bulaga. Eh, palibahasa institusyon na, lapitin ito ng sponsors na sources of income ng programa.

So kung namimigay man ng tulong ang Bulaga sa mga tao, galing ‘yon sa mga loyal sponsor ng progarama.

Hindi naging isyu sa Bulaga ang pera. Madiskarte lang ang nasa loob ng programa upang ipagpatuloy ang pamimigay ng tulong mula noon hanggang ngayon.

Saka lahat ng nasa Bulaga ay pamilya at walang pabida, huh!

BIGGEST FILM BREAK NI JERIC, IPAPALABAS SA INT’L FILMFEST

CONFIDENTIAL pa kung saang international film festival magpi-premiere ang pelikulang Broken Blooms na dinirek ni Louie Ignacio at pinagbibidahan ni Jeric Gonzales at iba pa.

Ang Broken Blooms ang biggest break sa movie ni Jeric.

Samantala, mapapanood si Jeric kasama si Thea Tolentino sa episode tonight ng Magpakailanman. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE