People’s Tonight Makikita sa larawan ang ilan lang sa masisipag at tapat na staffers ng People’s Tonight na buong tapang na pumapasok sa opisina sa gitna ng pandemya. Sila sina (mula kaliwa) Lucio Cortel, Daine Gagar, Erwin Vicentino, Jennifer Villanueva, Deus Quitco, Theodore Jurado, Candie Ramos at Antonio dela Cruz. Makikita sa ibang litrato ang Security Dep’t chief na si Anne Rabe, Rozel Garcia at Fr. Roy Gallano.

People’s Tonight tagumpay 48th anniversary celebration

September 24, 2021 People's Tonight 193 views

People’s Tonight anniversary

TAGUMPAY at masaya ang pagdririwang ng People’s Tonight (PT) ng ika-48 nitong anibersaryo Biyernes kalakip ang patuloy nitong adhikain na makapaghatid ng ekslusibo at pinakamaiinit na balita sa bansa at mula abroad.

Sinimulan ang selebrasyon ng anibersaryo sa isang maiksing misa sa pangunguna ni Fr. Roy Gallano, OSA, ika-12 ng tanghali hanggang ika-1 ng hapon sa lobby ng The Journal Building.

Sa ika-48 anibersaryo ng PT ay nagkaroon ng munting salu-salo bilang selebrasyon kasama ang masisipag at tapat nitong mga empleyado.

Naging dagok man para sa lahat ang kinahaharap nating pandemya ngayon, nagpatuloy sa pagbibigay serbisyo at paghahatid ng mga pinaka bagong balita at mahahalagang impormasyon sa pang-araw-araw ang People’s Tonight na kilala rin bilang PT.

Sa nagdaang 48 na taon at sa mga susunod pa, pangako nitong walang tigil na sasamahan ang mga mambabasa sa mga hamon ng buhay, lalampasan ang kanilang mga inaasahan, at kasamang pagtatagumpayan ang mga pagsubok na may tangan-tangan na ngiti.

Ni ERWIN VICENTINO

AUTHOR PROFILE