Paul M. Gutierrez PARANGAL–Hawak nina PTFoMS chief Paul M. Gutierrez (2nd sa kanan), MPD Chief Brig. Gen. Andre Dizon (2nd sa kaliwa) ang pahayagang Peoples Tonight at Peoples Journal matapos parangalan si Gutierrez kahapon. Kuha ni Jon-Jon Reyes

People’s columnist, PTFoMS boss pinarangalan ng MPD

July 11, 2023 Jonjon Reyes 734 views

BILANG pagpapairal ng Police Community Relation PCR for the month ng Manila Police District at PNP, pinarangalan ng Manila Police District ang isa sa mga nirerespetong columnist at beteranong reporter ng People’s Tonight at Peoples Journal Group at ngayo’y Executive Director Presidential Task Force on Media Security na si Paul M. Gutierrez.

Naitalaga si Gutierrez bilang reporter ng People’s Tonight at Journal Group noong Mayo 25, 1998.

Naging presidente din ng National Press Club at kasalukuyang kalihim ng NPC at patuloy na nagsusulat sa mga nabanggit na pahayagan.

Pinaalala ni Undersecretary Gutierrez sa mga kapulisan at mga kapatid sa hanapbuhay kung paano dapat magkaroon ng magandang ugnayan ang mga kapulisan at komunudad.

Bilang beteranong journalist, particular sa police reporting, nakita nito ang kahalagahan na dapat ang pulis at reporter ay laging magkaibagan hindi, dapat nag-aaway at nag iintrigahan kundi nagtutulungan para makapagbigay ng mas malinaw at makabuluhang serbisyo sa ating mga kababayan,

Dapat nagmamahalan at nagtutulungan ang media at pulisya bilang isang propesyonal na naglilingkod sa bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga kapulisan sa pamumuno ni “The Game Changer General” MPD Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon sa pagdalo at pagbibigay halaga ni Gutierrez ng PTFoMS bilang panauhing pandangal sa flag raising kahapon sa MPD headquarters.

AUTHOR PROFILE