Default Thumbnail

PENELCO isunod imbestigahan ng Senado

August 8, 2022 Erwin Tulfo 566 views

TulfoDAHIL sa sunod-sunod na reklamo na ng mga konsumer ng kuryente sa Occidental Mindoro, ipapatawag ng Senado ang pamunuan ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO para magpaliwanag sa araw-araw na brownout sa probinsya.

Humingi na ng tulong ang mga local government units ng lalawigan sa Department of Energy (DOE) dahil sa bukod na araw-araw na brown out ay inaabot ng halos isang araw na walang kuryente ang lalawigan.

Pero bukod sa iimbestigahan na ng DOE ang problema, papasok na rin ang Senado sa pamamagitan ng Committee on Energy na pinamumunuan ngayon ni tol Senador Raffy Tulfo.

Ani Sen. Raffy pagpapaliwanagin daw nila ang OMECO kung bakit pasakit araw-araw ang dulot ng naturang kumpanya sa mga tao.

Naku, Senador Tol Raffy, Sir…hindi lang yang OMECO ang balasubas ang serbisyo.

Pakisama niyo na rin sa ipapatawag ninyo next week itong Peninsula Electric Cooperative o PENELCO ng Bataan.

Araw-araw na lang ay brownout sa nasabing lalawigan at palusot ng walang kwentang kumpanya ay may sumabog sa linya daw nila.

Take note Sen. Raffy, Sir…”may sumabog sa linya” ang laging dahilan ng PENELCO kaya laging brownout lalo na sa bayan ng Morong na tourist destination pa naman dahil sa mga beach nila doon.

Ang problema ngayon, naaapektuhan na ang tourist arrival sa lugar dahil sa brownout.

Paano na lang daw makakarekober ang mga hotel at resort sa lugar sa pagkakalugi dahil sa pandemya kung lagi daw brownout ngayon?

Ayon sa mga residente sa lugar, umambon lang ay brownout na at agad ang paglalabas ng announcement ng PENELCO na may problema sa linya at kanila na raw chinicheck.

Oras din ang bibilangin bago maibalik ang kuryente sa lugar partikular sa mga hotel at resort sa Morong.

Kaya kung ang mga taga-Bataan ang tatanungin…gusto nila na kastiguhin itong PENELCO sa palpak na serbisyo o kaya ay palitan ang pamunuan dahil mga walang kwenta at INUTIL!!!

AUTHOR PROFILE