Medina

Pen nangangailangan ng tulong

July 18, 2022 Aster Amoyo 813 views

AWARD-winning veteran actor and painter Pen Medina (71) will undergo spine surgery any day soon and his family is asking for financial help para matustusan ang medical expenses and treatment ng actor.

Mahigit tatlong linggo na rin sa pagamutan ang veteran actor at aminado ang kanyang mga anak na depleted na rin ang kanilang pera dahil sa pandemic at kakulangan na rin ng TV and movie assignment ni Pen.

Si Pen ay huling napanood sa primetime hit TV series na “La Vida *Lena” na pinagbidahan ni Erich Gonzales at tumagal sa ere ng halos dalawang taon mula 2020 hanggang early 2022.

Nadulas umano sa banyo si Pen na naging sanhi ng kanyang pagkakaroon ng Degenerative Disc Disease (DDD) na kailangan maoperahan agad. Dahil dito, uma-apela ang mga anak ng award-winning actor ng tulong mula sa publiko laluna ang mga kasamahan niya sa industriya.

Kapag ito’y nakarating kay Coco Martin, tiyak na hindi ito magpapabaya kay Pen na naging bahagi rin ng “FPJ’s Ang Probinsyano” nung 2016.

Samantala, sa mga nais tumulong kay Pen, narito ang G-Cash account at bank account ng isa sa kanyang mga anak na si Kathleen Medina – Cash 0977-8234150; BPI -Acct. #4539-0752-12 at Union Bank Account #109423983730.

CesarRuffa

Pelikula tungkol sa mga Marcos sa Manila Hotel nag-presscon

GRANDIOSO ang presscon ng pelikulang “Maid in Malacanang,” mula sa panulat at direksyon ng controversial na si Darryl Yap under Viva Films na matutunghayan na sa mga sinehan nationwide simula sa darating na Aujgust 3, 2022 (Wednesday).

Ang presscon ng “Maid in Malacanang” ay ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel at dinaluhan ni Sen. Imee Marcos, ng Viva top honcho na si Boss Vic del Rosario, Jr. kasama ang dalawa sa mga anak niyang sina Vincent del Rosario at Valerie del Rosario, dalawa sa mga top executives ng Del Rosario-owned group of companies, ang bumubuo ng cast na sina Cesar Montano (as former President Ferdinand Marcos, Sr.) Ruffa Gutierrez (portraying former First Lady Imelda Romualdez-Marcos), Cristine Reyes (as Imee Marcos), Diego Loyzaga (as Bongbong Marcos), Ella Cruz (as Irene Marcos-Araneta), Elizabeth Oropesa, Karla Estrada and Beverly Salviejo (as the nannies in Malacanang), Kiko Estrada (as Tommy Manotoc) at Kyle Belano (as Greggy Araneta). Naroon din ang ever-controversial writer-director na si Darryl Yap maging ang lovely mother ni Ruffa na si Annabelle Rama.

The presscon was moderated by singer, actress, comedienne, host and entrepreneur na si Giselle Sanchez.

Kung marami na ang nasulat tungkol sa Marcoses in the past, kakaiba naman ang pagkakalatag ng kuwento ng “Maid in Malacanng” dahil ito’y totoong pangyayari sa loob ng Malacanang sa loob ng 72 hours bago nilisan ng dating First Family ang nasabing lugar. Ito’y personal account ng panganay na anak ng yumaong former President Ferdinand Marcos at dating Unang Ginang na si Imelda Romuladez-Marcos na si Sen. Imee Marcos na agad sinulat and translated into film ni Direk Darryl na nasa likod ng Vincentiments na gumawa ng maraming Vivamax originals tulad ng “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar,” “Revirginized,” “Gluta,” “:Ang “Babaeng Walang Pakiramdam,” “69 +1,” “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” at iba pa. Ito’y bukod pa sa box office hit movie na “Jowable” na siyang launching movie ng signe, actress-comedienne na si Kim Molina in 2019.

Bukod sa totoong pangyayari ang “Maid in Malacanang,” aminado si Direk Darryl na ito umano ang kanyang biggest movie and most challenging project to date.

“Sana bago nila husgahan ang pelikula, panoorin muna nila,” hamon ng young director.

JLo

Jlo at Bedn nagpakasal sa Las Vegas

SA darating na July 24 ay 53rd birthday ng Latin-American singer, actress, dancer and entrepreneur na si Jennifer Lopez na kamakailan lamang nakipagbalikan at nagpakasal sa kanyang fiancé, ang Hollywood actor-filmmaker na si Ben Affleck who is turning 50 sa daratng na August 15.

In was in early part of 2021 nang muling magkabalikan ang dating magkasintahan pagkatapos ng halos 18 years matapos silang nagkahiwalay in 2004.’

They first meet sa set ng pelikulang “Gigli” in 2002, planned to get married in 2003 na hindi na nangyari dahil the following year ay nagkahiwalay na ang dalawa.

It was only over the week-end nang mag-desisyon ang engaged couple (last April) na magpakasal sa “Wedding Capital in the World,” ang Las Vegas, Nevada.They were just like any other ordinary couple na pumila to get their marriage license in Vegas.

Ang recent marriage nina J-lo kay Ben ay pang-apat na niya. She was first married to Ojani Noa (1997 to 1998) na sinundan ni Cris Judd (2001-2003) at pangatlo naman si Marc Anthony (ex-husband ng ex-girlfriend ni Aga Muhach, ang 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres with whom she has two sons na sina Ryan Adrian at Christian Marcus) kung kanino siya may anak na twins na sina Emmy Muniz at Maximilian David Muniz.

Si J-Lo naman ay second wife ni Ben. May tatlong anak ang actor sa kanyang unang ex-wife, ang Hollywood actress na si Jennifer Garner na sina Violet (16), Seraphina (13) at Samuel (10).

Together may instant five children ang bagong Hollywood celebrity couple.

Magmula nang magkabalikang muli sina J-Lo at Ben early last year ayinseparable na ang dalawa hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang pagpapakasal.

J-Lo started out as a dancer, then actress bago nito pinasok ang kanyangsinging career kung saan siya sumikat nang husto.

Diaz

Hidilyn at coach Julius ikinasal na

FIRST Filipino gold medalist Hidilyn Diaz ang coach fiancé Julius Naranjo are finally tying the knot this coming July 26 (Tuesday) at St. Ignatius Chapel sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) in Baguio City na susundan ng reception sa Baguio City Country Club.

Ang petsa ng kanilang kasal ay itinaon ng couple sa historic first anniversary date ng pagkakapanalo ni Hidilyn ng kanyang unang ginto sa Tokyo Olympics nung isang taon, also first for the Philippines.

Although kumpirmado na ang petsa at lugar ng wedding at reception, wala pang inilalabas na listahan ng mga tatayong principal sponsors na binubuo umano ng mga prominent personalies sa sports maging sa pamahalaan.

Sina Hidilyn at Julius ay unang nagkakilala in 2017 sa isang international weightlifting competition.

It was in October 2021 nang mag-propose si Julius kay Hidilyn.

WATCH my exclusive interview with actress-host Micky Ferriols on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Subscribe, like, share and hit the bell icon for notifications.

AUTHOR PROFILE