SC

‘PEMBO GROUP’ PABOR SA SC RULING

June 18, 2023 People's Tonight 246 views

SA harap ng diskusyon sa Taguig-Makati territorial dispute na pinal nang desisyunan ng Korte Suprema, lumiham sa lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga residente umano ng Pembo, Makati para madaliin na ang kanilang pag-takeover at mailipat na sila bilang mga residente ng lungsod.

Sa dalawang pahinang liham na naka-address sa mga opisyal ng lungsod mula umano sa grupo na Mandirigma ng Pembo, sinabi nito na pabor sila sa final and executory decision ng Supreme Court.

“We would like to make known to you that we are eagerly awaiting for the complete takeover of Taguig City”nakasaad sa liham.

Layon din ng liham na ipinadala ng mga residente sa Taguig na alamin kung ano ang mga maaari nilang asahan sa lungsod sa oras na maisakatuparan ang takeover. Anila, mainam na ilahad ito upang mawasakan na agam agam sa paglilipat ng mga residente.

Sadyang hindi inilabas ang mga signatory sa nasabing liham bilang proteksyon din sa mga residente.

Sinubukang kunin ang panig ng Makati ngunit focused ang kanilang opisyal sa pagpapatakbo ng maayos ng LGU at official functions nito kung saan ngayon ay aattend si Makati Mayor Abby Binay sa London Tech Week at garden reception na hosted ni Prime Minister Rishi Sunak.

Samantala, ayon sa mataas na opisyal ng Makati handa silang sagutin ang manifestation in behalf ng mayora.

AUTHOR PROFILE