Pelikula tungkol sa Marcos family pinag-uusapan na

June 26, 2022 Aster Amoyo 147 views

CesarMaid

ALTHOUGH magsisimula pa lamang ang pelikulang “Maid in Malacanang” mula sa panulat at direksiyon ng controversial director na si Darryl Yap, pinag-uusapan na ito.

Ang naturang project ay tinatampukan nina Cesar Montano who plays the role of the late Pres. Ferdinand Marcos, Ruffa Gutierrez as former First Lady Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Sen. Imee Marcos, Diego Loyzaga as Bongbong Marcos and Ella Cruz as Irene Marcos habang sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo naman ang gaganap bilang tatlong maids/yayas sa Malacanang. Kasama rin sina Kyle Avelino as Greggy Araneta at si Kiko Estrada playing the role of Tommy Manotoc.

May naghihintay na rin itong playdate sa July 20, 2022 sa mga sinehan nationwide. Comedy ang tema ng family movie.

Lahat ng bumubuo ng cast ay honored and excited sa kanilang respective roles lalupa’t ito’y may kinalaman sa iconic characters ng mga Marcos at ang kanilang naging buhay sa huling 72 hours sa Malacanang bago nila ito nilisan in February 1986.

Ang script ni Direk Darryl ay nakabase sa kuwento sa kanya ni Sen. Imee na ngayon pa lamang ay excited na sa kalalabasan ng pelikula.

Sa zoom presscon which was held last Saturday afternoon to formally announce the first major project of Direk Darryl, hindi lamang ang buong cast ang present kundi naroon din si Sen. Imee at ang dalawang big bosses ng Viva na sina Boss Vic del Rosario, Chairman-CEO, at anak nitong si Vincent del Rosario na siyang president ng Viva Communications .

Ang pelikulang “Maid in the Malacanang” signals the return of the movie-going public sa mga sinehan. Nakatakda itong magkaroon ng grand premiere night na inaasahang dadaluhan hindi lamang ng buong cast at mga bosses ng Viva kundi ang dati at bagong First Family

Ayon kay Direk Darryl, inaasahan niyang manood ng pelikula hindi lamang ang mga supporter ng mga Marcos kundi maging ang mga nasa oposisyon dahil magiging curious sila sa kalalabasan ng pelikula.

Sinabi ni Direk Darryl na wala umanong kinalaman sa pulitika ang pelikula kundi ito’y maglalahad lamang ng kuwento ng isang pamilya,.

Ang “Maid in Malacanang” ang 13th movie ni Direk Darryl sa bakuran ng Viva magmula nang gawin niya ang hit launching movie ni Kim Molina, ang “Jowable” in 2019.

Sa mga director ng Vivamax streaming app, si Direk Darryl ang most in-demand.

Billy at Nikki pareho nang masaya sa respective partners

PAREHO nang masaya ngayon sa kanilang respective families ang dating magkasintahang Billy Crawford at Nikki Gil. After their break-up in 2013, si Nikki ang unang nag-asawa sa businessman na si BJ Albert at may dalawa na silang supling, sina Finn (4) at Madeline Ellie (turning 1 this November). The couple started dating in 2013 at naging couple the following yeat at nung November 2015 ay ikinasal ang dalawa.

Sina Billy at misis na si Coleen Garcia naman ay ikinasal nung April 20, 2018 at isinilang ang kanilang first baby na si Amari nung September 10, 2020.

When the singer, actress, VJ and commercial model married BJ, tinalikuran nito ang kanyang showbiz career to focus on her being a wife and mother to their two kids.

Samantala, pareho pa ring aktibo sa kanilang showbiz career ang mag-asawang Billy at Coleen.

Cesar1Cesar

Cesar napagsama-sama na ang mga anak

WALA na sigurong pinakamasayang Father’s Day celebration noong June 19 para sa actor-director, producer and painter na si Cesar Montano dahil halos kumpleto niyang nakasama ang kanyang mga anak.

Ang kanyang anak na si Diego Loyzaga (sa aktres na si Teresa Loyzaga) at tatlong anak sa kanyang ex-wife, ang singer-actress na si Sunshine Cruz na sina Angelina, Samantha at Cheska ay sabay-sabay na dumalaw sa kanya kaya naman nagsama-sama sila pati ng kanilang younger half-siblings sa present partner ngayon ng actor na si Katrina Angeles, , except for the eldest na si Angela na nasa Bohol.

Ayon sa actor, nagkaroon man sila noon ng gap sa kanyang mga anak kina Teresa at Sunshine, ngayon ay wala na umano silang problema.“Matagal ko ring ipinagdasal na magkasundo-sundo at maging close sa isa’t isa ang mga anak ko,” pag-amin ng lead actor ng “Maid in Malacanang”.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE