Pelikula nina Julia at Joshua biggest grossing film of the year

September 4, 2024 Aster Amoyo 169 views

Joshua1AS of September 2, 2024 ay kumita na ng P390M plus ang reunion movie ng dating magkasintahang Julia Barretto at Joshua Garcia, ang “Un/Happy for You” na pinamahalaan ni Petersen Vargas mula sa joint production ng Star Cinema at Viva Films. Ang nasabing pelikula ang biggest-grossing film sa taong 2024 pagkatapos ng 2023 Metro Manila Film Festival.

Inaasahan na tataas pa ang gross ng pelikula ngayong palabas na rin ito sa iba’t ibang bansa. Sa darating na September 8 ay mapapanood ang pelikula sa Milan, Italy na susundan ng Rome on September 15, Cambodia on September 27. Susunod naman ang Hong Kong, Malaysia at Singapore at iba pang bansa.

Bukod sa mga tao sa likod ng Star Cinema at Viva Films, masayang-masaya rin sina Julia at Joshua sa naging turn-out ng kanilang balik-tambalan movie lalupa’t pareho silang nanggaling sa mahinang pelikula bago ipalabas ang “Un/Happy for You”.

Sina Julia at Joshua ay nagkahiwalay sometime in April 2019. Bukod sa “Block Z” which was shown after their break-up, maituturing na itong Petersen Vargas-helmed film ang kanilang reunion movie.

Hinihiritan naman ng mga fans nina Gerald Anderson at Julia Barretto na muli ring magtambal sa pelikula. Ang dalawa ay unang nagkasama sa pelikulang “Between Maybes” mula sa panulat at direksyon ni Jason Laxamana and was shown in May 2019. Sa nasabing movie nagkalapit at nagka-debelopan ang dalawa.

Papalit kay Alvin, di pa pinaaalam

AlvinAlvin1Alvin2HINDI pa ipinapaalam ng ABS-CBN News and Current Affairs kung sino ang papalit kay Alvin Elchico sa “TV Patrol Weekend” tuwing Sabado at Linggo at makakasama ng news anchor na si Zen Hernandez.

Si Alvin ay pinul-out ng ABS-CBN News and Current Affairs bilang co-anchor ni Zen sa weekend edition ng “TV Patrol” at siya’y inilipat sa weeknights edition ng “TV Patrol” bilang kapalit ng nag-resign na si Henry Omaga-Diaz who is joining his family in Canada. Kasama na ngayon si Alvin ng tatlo pang main anchors ng “TV Patrol” na sina Kabayan Noli de Castro, Karen Davila at Bernadette Sembrano.

Si Alvin ay dating anchor ng ABS-CBN “TV Patrol” in Bacolod mula 1996 to 1999 bago ito lumipat ng Maynila bilang news writer sa dating AM radio program ng ABS-CBN, ang DZMM hanggang maging field reporter siya ng “TV Patrol”. Nagre-report din siya dati sa newsbreak na ginawang News Patrol. He also did narration for “TV Patrol” at dating “Bandila” late night news program. Nung 2011, siya ang pumalit kay Alex Santos sa “TV Patrol Weekend” bilang co-anchor dati ni Pinky Webb na sa kalaunan ay pinalitan naman ni Zen Hernandez. Sina Alvin at Zen ang pinakamatagal na naging news anchor ng “TV Patrol Weekend” at madalas ding mag-pinch hit ang dalawa sa tuwing may absent sa “TV Patrol” weeknights.

Si Alvin ay naging senior business reporter din ng ABS-CBN.

Nung September 2, 2024, si Alvin ay opisyal nang kabilang sa “TV Patrol” weeknights kasama sina Kabayan Noli, Karen at Bernadette.

Ang “TV Patrol” ay ang flagship news program ng ABS-CBN since March 2, 1987.

Chloe hindi raw papasok sa showbiz kahit nag-perform sa ‘ASAP’

ChloeChloe1HINDI maikakaila na sa kabila ng pagiging isang successful content creator ng Filipino-Australian na si Chloe San Jose, mas kilala siya ngayon bilang kasintahan ng Olympic two-time gold medalist na si Carlos Yulo.

Taong 2019 nang unang mapanood si Chloe sa “ASAP” at ito’y naulit nung nakaraang linggo, September 1, 2024 sa “ASAP Natin `To” when she performed Camila Cabello’s “Havanna”.

Bukod kasi sa pagiging content creator ni Chloe, she sings and plays the guitar. Marami rin ang nagsasabi na tila ito na ang magiging pasaporte ng Filipino-Australian talent sa kanyang pagpasok sa showbiz pero agad nitong sinalag na wala umano siyang planong mag-showbiz.

Kung proud girlfriend si Chloe kay Carlos Yulo, proud boyfriend naman ang award-winning gymnast sa kanyang girlfriend.

Samantala, marami ang nagsasabi na sana’y si Chloe na umano ang gumawa ng paraan at maging tulay na mabuo ang pamilya ni Carlos lalo na sa kanyang nakatampuhang in ana si Angelica Yulo.

Hindi pa rin nagpapakita si Carlos sa kanyang pamilya magmula nang bumalik siya sa bansa after his back-to-back gold win sa Paris Summer Olympics last month.

Jeric maraming pinalagpas na pagkakataon

HINDI ikinakaila ng dating OctoArts Films action star na si Jeric Raval na meron siyang 18 anak sa magkakaibang babae at kasama na rito ang kanyang apat na anak sa kanyang legal wife in Pampanga na si Holiday `Dayday’ Buensuceso habang may tatlo namang anak sa dati nitong kasintahan at former leading lady sa OctoArts na si Monica Herrera habang si AJ Raval ay anak ng actor sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez. Meron din siyang anak sa isang non-showbiz former girlfriend na nasa Japan.

Ayon kay Jeric, magkaka-close umano ang kanyang mga anak at okey pa rin umano ang kanyang relasyon sa mga ina ng mga ito na tanggap ng kanyang misis na si Dayday. Katunayan, si AJ ay lumaki sa pangangalaga ng tunay na misis ni Jeric.

Jeric was already married and with kids nang pumasok siya sa showbiz pero ito’y itinago noon dahil nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz si Jeric although there was a time na ayaw niyang tumanggap ng mga supporting roles pero sa kalaunan ay na-realize niya na marami umano siyang pinalampas na pagkakataon at pagkakakitaan.

Bago si AJ Raval nag-showbiz, una munang pumasok ang anak ni Jeric kay Monica Herrera na si Janina pero hindi umano ito nagtagal. Ang anak nito in Japan na si Noriko ay gusto ring mag-showbiz pero ayaw umano ng ina nitong magpa-seksi.

Si Jeric ay bida sa biopic movie na “Mamay: The Journey to Greatness” na hango sa buhay ng Nunungan mayor na si Marcos Mamay mula sa panulat at direksyon ni Neal `Buboy’ Tan which premiered recently sa SM Megamall Cinema 1. Leading lady ni Jeric sa pelikula si Ara Mina who plays Mayor Mamay’s wife in the movie.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE