Daniel

Pelikula nina Charo at Daniel wagi sa Locarno filmfest

August 16, 2021 Aster Amoyo 827 views

HINDI man personal na nakadalo ang dalawang lead stars ng pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon” (Whether the Weather is Fine) na sina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla sa world premiere ng kanilang pelikula at the 2021 74th Locarno Film Festival in Switzerland nung August 4 – 14, 2021, tiyak na masayang-masaya ang dalawa dahil nakakuha ng special award ang kanilang movie ng Cinema E Gioventu Prize (Junior Jury Award) mula sa Concorso Cineasti del Presente.

Ang “Kung Maupay Man It Panahon” na tumatalakay sa aftermath ng super typhoon Yolanda (with international codename Haiyan) na rumagasa sa Eastern Visayas particularly Tacloban City nung November 2013 ay mula sa direksiyon ng Tacloban-born writer-director na si Carlo Francisco Manatad which he co-wrote along with Giancarlo Abraham at Jeremie Dubois. Ang nasabing pelikula ay joint production ng Blacksheep, Dreamscape Entertainment, Globe Studios, Quantum Films, Cinematografica Films, Plan C at ilang foreign companies mula France, Singapore at Indonesia.

Si Direk Carlo ang personal na tumanggap ng special award for the movie na personal ding dinaluhan ng isa sa mga co-star ng pelikula na si Rans Rifol, ang executive producer ng Globe Studios na si Quark Henares at producers na sina Vincent Want at Armin Cacamindin.

Pagkatapos ng 2021 Locarno Film Festival, ang “Kun Maupay Man It Panahon” will have have its North American premiere sa 2021 Toronto International Film Festival (TIFF) sa September 9 -18, 2021.

Jerald proud sa papuri ni Sharon

ManDAPAT nang tawaging Vivamax King ang singer-actor na si Jerald Napoles dahil tatlong pelikulang magkakasunod na kanyang pinagbidahan ay nag-number one sa naturang streaming app na ang latest ay bagong movie nila ng kanyang girlfriend of seven years na si Kim Molina, ang “Ikaw at Ako at ang Ending” mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor. Ang nasabing pelikula ay patuloy na tumatanggap ng mga papuri mula sa viewers.

Bago ang streaming ng “Ikaw at Ako at ang Ending,” si Jerald ay napanood sa hit streaming movies na “Kaka,” “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na muli nilang pinagtambalan ni Kim pagkatapos ng kanilang hit move in 2018, ang “Jowable” na siyang nagsilbing launching movie ni Kim.

Sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Jerald sa megastar na si Sharon Cuneta sa pagsasabi nitong gusto siyang makatrabaho nito at naging big fan umano siya (Sharon) magmula nang mapanood niya ang singer-actor sa hit musical play na “Rak of Aegis” kung saan din naging bahagi ang girlfriend ni Jerald na si Kim Molina.

Para kay Jerald, isang malaking karangalan ito para sa kanya.

Hindi naman ito magiging imposible dahil isang request lamang ni Sharon kay Boss Vic del Rosario ng Viva at kay Direk Darryl Yap ay agad itong maisasakatuparan.

‘Huwag Kang Mangamba’ may international nomination

MangambaANG hit inspirational primetime TV series na “Huwag Kang Mangamba” na pinagbibidahan ng Gold Squad stars na sina Andrea del Rosario, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin kasama sina Sylvia Sanchez, Eula Valdez, Mylene Dizon, Enchong Dee, Diether Ocampo, Nonie Buencamino, RK Bagatsing, Matet de Leon, Paolo Gumabao, Dominic Ochoa at iba pa ay nominado sa 2021 Content Asia Awards for Best Drama Series/Telefilm made For A Single Asian Market.

Ang “Huwag Kang Mangamba” title ay hango sa kantang sinulat ni Fr. Manoling V. Francisco at magkatulong na direksyon nina Manny Palo at Darnel Villaflor. Ito’y produced ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.

Samantala, may mga bagong characters na papasok sa serye na kinabibilangan nina Ian Veneracion, Andi Abaya, Nash Aguas, Vivoree Esclito, Richard Quan at Andrea del Rosario kaya malayo-layo pa ang itatakbo ng serye na nagsimula nung nakaraang March 2021.

Ysabel pinilit makatapos ng pag-aaral

ysabelSA kabila ng maraming pagsubok na kanyang pinagdaanan kasama na rito ang pag-balanse sa kanyang studies and showbiz career, nakapagtapos ang 22-year-old Kapuso actress na si Ysabel Ortega (Maria Ysabel Ortega Lapid) sa kanyang pag-aaral sa University of Asia and the Pacific (UAP) ng Political Economy degree.

Hindi ikinakaila ng young actress na there were times na gusto na niyang mag-quit sa pag-aaral pero pinilit niya itong ipagpatuloy kahit nahirapan siya.

Si Ysabel ay anak ng actor-politician na si Sen. Lito Lapid sa dating singer-actress and DSWD Asst. Secretary na si Michelle Ortega now married to Police General Gregorio Pimentel. Ysabel admits that she’s very close to her stepdad.

Ngayong tapos na sa kanyang pag-aaral si Ysabel ay puwede na siyang mag-focus nang husto sa kanyang acting career pero pinag-iisipan pa niyang mag-take ng master’s degree.

Si Ysabel ay youngest half-sibling nina Mark, Maynard, Maa, Mitzi at maging si Manuelito na anak naman ng actor-politician sa dating Miss International-actress na si Melanie Marquez.

Onyok nakatanggap ng sorpresa

OnyokDAHIL sa pagkakapanalo ng Pilipinas ng apat na medalya (including the first ever-gold medal) sa nagtapos na 2020 Tokyo Summer Olympics na ginanap sa Tokyo, Japan, muling nabuhay ang pending issue sa second silver medalist ng Pilipinas sa 1996 Atlanta Olympics (sa boxing category) na si Mansueto `Onyok’ Velasco na nag-reklamo dahil hindi umano natupad ang mga ipinangakong premyo sa kanya tulad ng P2.5M cash prize mula sa pamahalaan, P10,000 pension for life (na isang taon lamang umano niya natikman) at scholarship mula sa Philippine Navy para sa kanyang dalawang anak.

The boxer-turned actor-comedian na si Onyok got a big surprise recently nang siya’y gawaran ng sarili niyang franchise ng “Chooks To Go” roast chicken store in Quezon City.

Although matagal nang panahon ang kanyang panalo, umaasa pa rin si Onyok na tutuparin ng pamahalaan ang kanilang pangako sa kanya.

Subscribe, like, share and press the button icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE