Pelikula ni Direk Mikhail na tinanggihan sa MMFF nasa streaming platform na
FILMMAKER Mikhail Red is among the young breed of film directors na maituturing na isa sa pinakamahusay among his peers. He practically knows what he wants when doing a film.
Unang napansin ang husay ni Direk Mikhail sa kanyang 2016 critically acclaimed movie na “Birdshot”. He also directed the very first Filipino original film for Netflix in 2019, ang “Dead Kids” but his very first box office movie ay ang 2022 Metro Manila Film Festival entry na “Deleter” na pinagbidahan ni Nadine Lustre kasama sina Louise de los Reyes, Jeffrey Hidalgo, among others.
Direk Mikhail who will be celebrating his 33rd birthday next month, December 11 has worked with Nadine Lustre for the second time sa pelikulang “Nokturno,” another horror film na tinampukan din nina Bea Binene, Wilbert Ross, JJ Quilantang at ang seasoned actors na sina Eula Valdez at Ku Aquino. The movie, jointly produced by Studio Viva and Evolve Studios, is now available on Amazon Prime Video (since October 31, 2024). The film was not lucky enough to be chosen in the 2022 Metro Manila Film Festival at marami ang nagtaka kung bakit hindi ito napili when the movie had its special screening at Cinema 18 ng Gateway 2 in Quezon City recently. Lahat ng elements ng isang magandang horror movie ay naroon. Jointly written by Nikolas and Rae Red, ang “Nokturno” features Nadine Lustre who plays the role of Jamie na isang OFW na umalis sa kanilang small, conservative town of San Sebastian dahil hindi sila magkasundo ng kanyang inang si Lilet (Eula Valdez) na inakala niya noong my mental health. Meron siyang dalawang younger siblings na sina Joanna (Bea Binene) at Julius (JJ Quilantang). Boyfriend naman ni Joanna si Manu (Wilbert Ross) habang tiyuhin naman ng magkakapatid si Tito Jun (Ku Aquino), kapatid ng kanilang inang si Lilet na isang caring and protective barangay captain na siyang naniniwala sa kanilang ina na may curse ang pamilya. Sa pamamagitan ng tatlong katok ng isang unseen creature, kukunin nito ang buhay ng magbubukas ng pintuan.
Bukod sa ama ng tahanan na siyang unang biktima (na pinalabas ng mga police na suicide), ininda ni Lilet ang pagkamatay ng kanyang asawa. Sumunod na naging biktima ay ang nakababatang kapatid ni Jamie na si Joana. Umuwi si Jamie sa burol ng kapatid na may laslas sa kanyang leeg. Although hindi naniniwala si Jamie sa mga kwento ng kanyang ina at tiyuhin, nakaka-experience siya ng mga creepy incidents sa loob ng kanilang malaking lumang bahay (which looks like a haunted house).
Cold ang relasyon ng mag-inang Lilet at Jamie sa loob ng kanilang pamamahay. Ang sumunod na naging biktima ng tatlong katok ay ang nobyo ni Joana na si Manu na personal na nasaksihan pa mismo ni Jamie. Nag-desisyon sina Jamie at Julius na sa kanilang Tito Jun muna sila tumuloy at pinasunod nila ang kanilang inang si Lilet. Pero kahit doon ay hindi sila tinantanan ng sunud-sunod na katok kaya nagdesisyon si Jamie na lumabas ng bahay at hanapin kung sino at saan nanggagaling ang mga sunud-sunod na katok. Nakita ito ni Lilet at sinundan ang anak na si Jamie pero kahit doon ay si Lilet naman ang sumunod na biktima ng katok na nasaksihan pa mismo ni Jamie na natiling matatag na labanan ang sumpa at masamang espiritu na bumabalot sa kanilang pamilya pero maging si Jamie ay hindi nakaligtas.
Ang intention ng movie na manakot at matakot ay buong-buo from the acting, production design, cinematography, sound and execution was laudable. Isa kami sa loob ng sinehan ang napapasigaw at napapaiktad sa aming upuan sa mga eksenang hindi inaasahan.
Samantala, ang husay ni Direk Mikhail sa pagdidirek ay minana niya sa kanyang award-winning director father na si Raymond Red na nanalo ng Palme d’Or para sa kanyang short film na “Anino” sa 2000 Cannes Film Festival.
Direk Mikhail (being the eldest son) was only 15 nang magkainteres siyang magdirek under the tutelage ng yumaong award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya. He directed his first short film na pinamagatang “Threshold” which participated in the film festival in Germany. He directed more short films tulad ng “Karera,” “Harang” at “Hazard”.
Ang pelikulang “Harang” ay nanalo ng Grand Prize sa Seoul International Film Festival habang ang “Hazard” ay nakakuha ng Special Jury Prize sa CineManila International Film Festival nung 2010.
He was 21 nang idirek niya ang kanyang unang feature film na “Recorder” nung 2013. It was an experimental film which took 13 days to shoot. Ito ang nakapagbigay ng Best New Director award for Direk Mikhail sa Vancouver International Film Festival. Sumunod na rito ang “Birdshot,” a coming of age movie nung 2016. Ang nasabing pelikula ang nanalo ng Best Film sa Asian Future section nf 29th Tokyo International Film Festival in Tokyo, Japan. It was also the first Filipino film released worldwide by Netflix. Isinali rin ang nasabing pelikula ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film sa 90th Academy Awards. Kasunod na rito ang pelikulang “Eerie” na pinagbidahan nina Charo Santos-Concio and Bea Alonzo nung 2019, his first film for a major outfit, ang Star Cinema at Aurora Media ng Singapore. Siya rin ang nag-direk ng zombie movie na “Block Z” ng Star Cinema nung 2020.
In 2022, he directed “Deleter,” his first project with Viva Films. The movie was the No. 1 movie sa box office ng 2022 Metro Manila Film Festival.
Nakapanghihinayang lamang na hindi na matutunghayan sa mga sinehan ang “Nokturno” na muling pinagbibidahan ni Nadine Lustre but is now available on Amazon Prime Video.
Angeli bakit tinanggihan si FPJ
NOT everybody knows na ang misis ng music icon na si Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valenciano ang unang choice noon ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. na maging leading-lady niya sa pelikulang “Roman Rapido” which was released in 2023. Ang nasabing pelikula na pinamahalaan ni Argel Joseph ay tinampukan din ng dating beauty queen-turned actress na si Dang Cecilio at mga yumao na ring sina Helen Vela at dating child star na si Julie Vega. At that time ay kilalang-kilala na si Angeli dahil sa kanyang mga TV commercials speficifically ang kanyang Camay beauty soap commercial. She was also part ng kilalang band noon, ang Music and Magic kung saan si Kuh Ledesma ang nasa frontline.
Although at first ay sumang-ayon na si Angeli, nag-back-out siya sa proyekto dahil ayaw umano niyang mag-artista. Plano lang niyang tulungan ang kanyang ama sa kanilang family business at hindi rin umano siya magtatagal sa pagiging member ng Music and Magic na sikat na sikat noon. Kahit si FPJ ay hindi makapaniwala na tatanggihan ni Angeli ang lead role na inalok sa kanya. But God had other plans for her. She met a fast-rising solo singer-performer then na si Gary Valenciano who eventually became her husband at ama ng kanilang tatlong anak at siya na rin ang tumayong manager nito hanggang ngayon at naging katuwang nito lahat ng journey nito bilang one of the country’s top singers-performers, dancer, hitmaker, record producer, host, musician at actor including his personal health condition.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.