MPDPS6

Pekeng sigarilyo binebenta sa FB, nasabat ng MPD

December 5, 2022 Jonjon Reyes 275 views

NAGPAALALA ang PNP-MPD sa publiko na huwag makipag transaksiyon ng anumang mga murang bilihin sa Facebook marketplace hinggil sa mga pekeng produkto , matapos masabat ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang humigi’t kumulang na P250,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa isang pagsalakay Linggo ng hapon sa San Andres Bukid Manila.

Tatlong suspek ang naaresto na nakilalang sina Jewrome Pagobo, 31; Elma Facunda, 45; at Cesar Piasto Jr., 36, pawang nakatira sa San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat na isinumiti ni Police Major Jake Arcilla kay Police Lt. Col. Orlando Mirando Jr , Commander ng MPD-Sta. Ana Police Station-6 , unang nakipagtransaksyon ang isang Xyrus Edgar Villanueva, 41, ng San Fernando, La Union City, sa mga suspek sa pamamagitan ng Facebook marketplace upang makabili ng tatlong kahon (110 reams) ng sigarilyo.

Nagkasundo sila sa halagang P93,500 at nagkita sa Maynila. Nang maibigay ang tatlong kahon, dali-dali umanong umalis ang mga suspek kaya nang buksan ito ng biktima ay nadiskubreng kalahati lang ng kanilang pinag-usapan ang naibigay sa kaniya.

Dito nagsuplong ang negosyante kay Mirando kaya agad na iniutos nito na magsagawa ng follow-up operation.

Nagkasa naman ang mga pulis sa pangunguna ni PMaj Arcilla ng operasyon sa Rubi Street sa panulukan ng Estrada Street sa Brgy. 768 Zone 83 San Andres Bukid na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek at pagkakarekober ng iba pang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P150,000.

Nakaditine ngayon sa Sta. Ana Police Station detention center ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabatg sa Article 315 ng Revised Penal Code (Estafa) sa Manila City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE