Default Thumbnail

‘Pekeng’ empleyado ng bangko, timbog sa Ermita

March 10, 2022 Jonjon Reyes 448 views

HINDI na magawang pumalag ng posasan ang isang 36-anyos na umano’y modus na nagpapanggap na empleyado ng bangko, makaraang mabitag sa isang “entrapment operation” sa isang fastfood sa Ermita, Maynila batay sa ulat ng pulis, Martes, Marso 8, 2022.

Kinilala ni P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, district director ng Manila Police District (MPD), ang suspek na si Erwin Rellores, may asawa, ng Bgy. Camachile 1, General Trias City, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Criminal Investigation Section, Marso 8 nang humingi ng tulong si P/Lt. Col. Jender Mercado, 44, naka-assign sa Internal Affairs Service (IAS) sa Camp Crame at residente ng Zamora St., Pandacan upang isagawa ang entrapment.

Salaysay ni Lt. Col. Mendoza, nagtugo umano sa kanilang bahay ang isang nagpakilalang “Jomar” na empleyado raw ng isang hindi na pinangalanang bangko nitong Marso 2, 2022, upang abisuhang magbayad ng hinuhulugang sasakyan at kung hindi makapagbayad ay babawiin ang sasakyan.

Dahil dito, nagtungo agad si Mendoza sa bangko at napag-alaman nito na “updated” pa rin ang hulog ng kanyang ina na P130,000.

Dito na iniutos ni Major Anicete kay P/Lt. Ramel Lucero, hepe ng MPD-Theft and Robbery Section na magsagawa ng entrapment operation laban sa suspek.

Bumuo ng grupo si Lucero at pinagsanib na puwersa ng MPD-General Assignment Investigation Section at ng Theft and Robbery Section – para isagawa ang pag-aresto sa loob ng isang fastfood outlet sa United Nations Avenue malapit sa Taft Avenue.

Si Rellosa ay nahaharap sa kasong Robbery Article 286 ng Revised Penal Code. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE