Default Thumbnail

PDL na may shabu sa Caloocan City Jail, nabuking

July 15, 2022 Edd Reyes 335 views

NABISTO ang pagpupuslit ng ilegal na droga sa loob ng Caloocan City Jail (CCJ) matapos madakip ang isang persons deprived of liberty (PDL) na nahulihan ng droga sa mismong multi-purpose hall ng naturang pasilidad Miyerkules ng hapon.

Nagroronda sa visiting area si JO1 Jose Rickcel Tan, Investigator and Intelligence Officer ng CCJ pasado alas-3 ng hapon nang mapansin niya ang isang PDL na kakaiba ang ikinikilos at mistulang umiiwas sa nakakabit ng closed-circuit television (CCTV) camera.

Dahil dito, tinawagan ng pansin ni JO1 Tan ang Assistant Desk Officer na si JO1 Omar Binwag upang isailalim nila sa pagrerekisa ang suspek na nakapiit na at dito nakuha sa loob ng dala niyang coin purse ang tinatayang halos tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P6,000.

Agn PDL ay nakadetine sa CCJ dahil sa kinakaharap na kasong paglabag sa Section 26 at Section 15, Artilce II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Matapos makumpiskahan ng ilegal na droga, isinailalim ang suspek sa drug test kung saan nagpositibo siya sa paggamit ng shabu.

Hindi pa man natatapos ang kasong nakahain laban sa PDL ay sinampahan siyang muli ng kasong pag-iingat ng ilegal na droga sa piskalya ng Caloocan City.

AUTHOR PROFILE