PCG

PCG tutulong sa paghahanap ng Taiwanese fishing vessel

February 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 287 views

TUTULONG ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap sa Taiwanese-flagged fishing vessel na Sheng Feng no.128 na naiulat na nawawala sa karagatang sakop mg Palau sa Western Pacific Ocean.

Ayon sa ulat, nagpadala na ng search and rescue (SAR) team ang PCG kasama ang air at floating assets upang hanapin ang nawawalang foshing vessel.

Sa pinakahuling ulat, hulong nakita ang fishing vessel na may sakay na isang mangingisdang Taiwanese at limang Indonesian sa may layong 414 nautical miles northwest ng Palau noong Pebrerp 17, 2023.

Humingi umano ng tulong sa PCG si Taiwanese Coast Guard Attache Commander Arthur Yang.

Nagbigay din si Yang ng updates kaugnay ng nagpapatuloy na search and rescue operation na kanilang ginagawa.

Kaugnay nito, agad namang inatasan ng PCG Command Center ang Coast Guard Districts sa Eastern Visayas, Bicol, Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao, at Northeastern Luzon na magsagawa ng SAR operations.