PCG

PCG sa China backers: Traydor, praning

August 10, 2023 Zaida I. Delos Reyes 393 views

TINAWAG na traydor at unpatriotic ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga nagtatanggol sa China sa ginawa nitong water cannoning sa barko na magdadala ng suplay sa mga Pilipinong naka-assign sa West Philippine Sea.

Giit ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela bilang isang Filipino, magkaiba man ang paniniwala sa pulitika, pribado man o nasa gobyerno maituturing na pagtatraydor sa gobyerno ang pagtatanggol sa China sa gitna ng usapin sa WPS.

“If you are a Filipino, whether in government or private sector, regardless of your politics, defending and making excuses for China’s aggressive behavior should deem you unpatriotic, and a traitor to the Philippines and to our people,” pahayag ni Tarriela.

Pasaring pa ng opisyal, hindi dapat gamitin ang freedom of speech para bigyan katwiran ang pagtatanggol sa China na maliwanag ng kawalan ng pagmamahal at respeto sa bayan.

Giit ni Tarriela, sa sitwasyon ngayon sa WPS, kailangang magkaisa ang mga Filipino sa pagkondena sa hindi makatarungang hakbang ng China laban sa ating pwersa na nagtatanggol sa teritoryo ng bansa.