Default Thumbnail

PCG patrolling sa WPS paiigtingin

July 9, 2023 Zaida I. Delos Reyes 141 views

PAIIGTINGIN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolya sa paligid ng Iroquois reef sa West Philippine Sea (WPS) para maitaboy ang 48 Chinese vessels na nasa palibot nito.

Iginiit ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela na nasa layong 128 miles lang ang Iroquois reef sa Palawan kaya sakop ito ng Philippines’ exclusive economic zone.

“Currently, based on our last monitoring report, the Chinese maritime militias are based in that area. The PCG and AFP, for this coming week, will be intensifying our patrol to make sure that they will leave Iroquois Reef,” paliwanag ni Tarriela.

Maaaring i-deploy ng PCG ang kanilang 97-meter at 44- meter coast guard vessels sa isasagawang follow-up operations para maitaboy ang mga dayuhang barko sa teritoryo ng Pilipinas.

Matatandaang sinabi ni Lt. Karla Andre, co-pilot ng Philippine Navy light patrol aircraft na lumipad sa area, aabot sa 48 Chinese vessels ang namataan malapit sa Iroquois reef noong Hunyo 30.

“Itong Chinese maritime militia, that’s their usual strategic objective.

That is for them to occupy a particular maritime feature, to swarm the area for a very long period of time. Kung hindi mo sila mapapansin, they will increase their numbers eventually,” pahayag ni Tariella.

Nilinaw ni Tariella na hindi ito ang unang beses na nagsagawa ng ganitong taktika ang China.

“Sa Philippine Coast Guard, we already had this experience of reporting this swarming of Chinese maritime militia.

Sa aming pag-aanalisa, ang intensyon nito is to swarm a particular area and to take control of it,” dagdag ng opisyal.

Gayunman, inamin ni Tariella na ito ang unang insidente na napakaraming fishing vessels ang pumapalibot sa teritoryo ng bansa.