PCG naglunsad ng oil spill response training
ORIENTAL Mindoro–Naglunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) Oil Spill Awareness and Response Training kasama ang mga PCG auxiliaries mula sa iba’t-ibang lugar ng lalawigang ito noong Huwebes.
Layunin ng training na magsagawa ng demonstrasyon sa pag-agap sa pagkalat ng langis kung may oil spill at gawing handa ang mga coast guard sa rehiyon.
Nakasama sa pagsasanay ang mga kasapi ng PCG mula sa Pola, Puerto Galera, Roxas at Bulalacao.
Naging tagapagsalita si Maritime Science Investigation Group Coastguard ENS Sherra Eyne Cadiz-Rodriguez at iba pang opisyal na nag-demonstrate ng mga pamamaraan sa pag-agap sa pagkalat ng langis.
Ayon sa mga speakers, dapat paghandaan ang mga hindi inaasahang sakuna sa karagatan tulad ng oil spill at ang epektong maaaring maidulot nito sa kalusugan at ekonomiya.
Matapos ang oil spill sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon, nagkaroon muli ng oil spill noong Hulyo sa Limay, Bataan na siyang inaaksyunan ngayon ng pamahalaang nasyonal katulong ang mga opisyal ng mga pamahalaang lokal.