PBBM: Tiyaking may kuryente, suplay ng langis sa tatamaan ng bagyong Pepito
INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) na tiyakin na sapat ang suplay ng langis sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Pepito.
Bukod sa suplay ng langis, pinatitiyak din ni Pangulong Marcos na may Sapa tna suplay ng basic necessities at kuryente.
Bukod sa Pepito, tumama sa bansa ang nagkakasunod na bagyong Marce, Nika, At Ofel.
Pero sa kabila nito, sapat naman ang suplay ng langis sa mga tinamaan lugar tulad ng Ilocos, Cagayan Valley regions at Cordillera Administrative Region (CAR).
“As of 1200H on 15 November 2024, no reported oil supply disruption was received as of this writing. The oil supply is sufficient in affected areas,” pahayag ng Task Force on Energy Resiliency.
Nagpatupad na rin ang pamahalaan ng price freeze sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene products.
Mananatili ang price freeze ng 15 araw kapag nagdeklara ng state of calamity (SOC).
Nasa ilalim na ng state of calamity ang Cabagan, Isabela; Dilasag, Aurora; at Paracelis, Mountain Province.