DepEd

PBBM tinanggap na pagbibitiw ni Sara

June 19, 2024 Chona Yu 96 views

NAGBITIW na bilang kalihim ng Department of Education at bilang vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Vice President Sara Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.

Ayon kay Garafil, personal na nagtungo si Duterte sa Malakanyang para magsumite ng resignation.

Epektibo ang pagbibitiw ni Duterte sa Hulyo 19.

Wala namang ibinigay na reason si Duterte sa pagbibitiw sa puwesto.

“At 2:21pm of 19 June 2024, Vice President Sara Duterte, went to Malacanang and tendered her resignation as Member of the Cabinet, Secretary of the Department of Education and Vice Chairperson of the NTF Elcac, effective 19 July 2024. She declined to give a reason why. She will continue to serve as as Vice President. We thank her for her service,” pahayag ni Garafil.

Ayon kay Garafil, tinanggap na ni Pangulong Marcos ang pagbibitiw ni Duterte.

Una nang sinabi ni First Lady Liza Marcos na bad shot na sa kanya si Duterte nang tumawa ito sa isang rally sa Davao nang akusahan na gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

AUTHOR PROFILE