Checkpoint Nagsagawa ang mga kapulisan ng mahigpit na pagbabantay sa paanan ng tatlong tulay ng Jones Bridge, MacArthur Bridge, at Quezon Bridge sa Lawton, Lungsod ng Maynila upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa inagurasyon ni PBBM. Kuha ni Jon-jon Reyes

PBBM supporters dagsa sa Liwasang Bonifacio

June 30, 2022 Jonjon Reyes 94 views

LIBONG supporters ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. (PBBM) ang dumagsa sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Lungsod ng Maynila, umaga nitong Huwebes.

Umaga pa lang ng bandang 6:00 a.m. nang magsimulang dumating ang mga supporters ni Marcos sa naturang lugar upang ipakita ang kanilang suporta at pagbati kay PBBM.

Unang ginawa ng mga suporters mula sa iba’t-ibang grupo ay ang paglalakad papuntang National Museum bago pa man magsimula ang inagurasyon ni Marcos at saka lamang sila bumalik sa Liwasang Bonifacio para mag daos ng kanilang programa.

Nagsagawa naman ang mga kapulisan ng mahigpit na pagbabantay sa paanan ng tatlong tulay ng Jones Bridge, Mac Arthur Bridge at Quezon Bridge sa Lawton at ininspeksiyon ang mga pampasaherong jeepney at bus para sa kaligtasan ng mga dumadaan at pupunta sa lugar ng inagurasyon.

Samantala, pasado alas-11:00 a.m. lumabas ng palasyo si PBBM kasama ang kanyang may bahay na si First Lady Liza Araneta Marcos patungong National Museum habang nakaantabay naman at naghihintay ang mga panauhing pandangal na pinangunahan ni Vice President Sara Z. Duterte, ina ng bagong pangulo na si dating congresswoman Imelda R. Marcos, mga kapatid nitong sina Imee at Irene Marcos, mga kaibigan nito bago ganapin ang panunumpa.

Naroon din ang mga naging pangulo ng Pilipinas na sina Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, Senate President Vicente “Tito” Sotto, mga foreign delegates at iba pang mga bisita sa proklamasyon.

Matapos ang pag-awit ng Lupang Hinirang ni Toni Gonzaga kung saan siya din ang nagpakilala sa mga nagparada sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan tulad ng hukbong sandatahan, na sinundan ng mga tinaguriang bayaning boluntaryo na may kaugnayan sa pangangalaga sa panahon ng pandemiya.

Dito na tumayo at nagpasalamat at pumalakpak si PBBM upang magbigay pugay sa mga naglakad na sinasabing mga bayaning buhay.

Matapos ang may 45 minutong parada, nagsimula na si outgoing Senate President Tito Sotto na magbigay ng kaunting talumpati at pagbati sa pangulo at pangalawang pangulo na nanalo nitong nakalipas na halalan Mayo 9, 2022.

Dakong alas-12:05 ng tanghali nang manumpa si Pangulong Bongbong Marcos Jr. kay Chief Justice Alexander Gesmundo saka nito pinirmahan ang oath-taking bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Sa pinakahuling seremonya, nagbigay ng mahalagang mensahe at nagpasalamat sa mga Pilipino na sumoporta at nagtiwala sa kanya bilang pangulo.

AUTHOR PROFILE