Default Thumbnail

PBBM sa Task Force El Nino: Power supply, food prices bantayan

February 17, 2024 Chona Yu 261 views

MAHIGPIT na pinababantayan ng Pangulo sa Task Force El Nino ang suplay ng tubig, kuryente at halaga ng mga pangunahing bilihin dahil sa patuloy na nararanasang El Nino o tagtuyot.

Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary at Task Force El Nino spokesman Joey Villarama, utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na tiyakin na maliit lamang ang magiging epekto ng El Nino.

“In terms of what is being monitored at kung ano po iyong binabantayan ng task force, ayon na rin sa direktiba ng ating Pangulo,” pahayag ni Villarama.

Sa ngayon, may naiulat na mayroong nasirang pananim sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Ayon kay Villarama, may 10 probinsya ang maaaring tamaan pa ng matinding tagtuyot sa katapusan ng Pebrero.

Binabantayan din ng task force ang kalusugan ng mga residente na maaaring maapektuhan ng El Nino.

Kabilang sa mga sakit na dala ng tagtuyot ang water-borne diseases, cholera, typhoid, chikungunya, heat stroke at iba pa.

AUTHOR PROFILE