BBM

PBBM sa publiko: Basahin ang buong kasaysayan

February 26, 2024 Chona Yu 86 views

BASAHIN ang buong kasaysayan sa Pilipinas.

Payo ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang humanities student na si Erica na nagpadala ng liham kay Pangulong Marcos na interesado sa pulitika at kasaysayan ng Pilipinas.

Sa video ni Pangulong Marcos, sinabi nito na dapat na maging multiple sources ang dapat na pagkunan ng materyales.

“Huwag kayong magbabasa ‘yung isang lang bagay, basahin niyo lahat. Ang turo sa akin ng lola ko, sabi niya, magbasa ka ng kahit na ano at ikaw nang bahala na mangilatis kung ano ‘yung Maganda o ano ‘yung hindi tama, and that’s what history can guide us.

Sabi ni Pangulong Marcos, ang pulitika ay human condition.

“Politics is essentially about the human condition, it is about an ideology that you hold dear, a principle that you will not compromise, that you can help the people, so you can be of service to the people. Not to yourself, not to your party, not to your family, but for the people,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Buwelta na rin ito ni Pangulong Marcos sa mga bumabatikos sa administrasyon.

AUTHOR PROFILE