PBBM sa PCG, BFAR: WPS bantayan, ‘wag matakot
INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na panatilihin ang presensya sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay PCG spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela, iniutos ni Pangulong Marcos na ituloy ang deployment sa Bajo de Masinloc alinsunod sa “Bagong Pilipinas” campaign.
“We know for a fact na ang ‘Bajo de Masinloc’ is a traditional fishing ground for the Filipinos, particularly ang ating mga kababayan sa Zambales, sa Pangasinan at in different parts dito sa coastal area ng Northern Luzon,” pahayag ni Tarriela.
“Dahil dito, it is now the guidance of our President to have a rational deployment between the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources to maintain our presence in Bajo de Masinloc,” sabi ni Tarriela.
Ayon kay Tarriela, pinanatili ng PCG ang presensya ng Pilipinas sa Philippine waters noong Peb. 1 hanggang 9 habang nag-deploy ang BFAR ng personnel matapos magsagawa ng rotational deployment.
Ayon kay Tarriela, idineploy ng BFAR ang BRP Datu Tamblot o MMOV-3005, Cessna Caravan, RP-1077al at Cessna 208-B at aircraft sa Bajo de Masinloc. Nabatid na galing ang mga aircraft sa Clark, Pampanga.
Ayon kay Tarriela, dinikitan ng China Coast Guard vessel 3105 ang BRP Datu Tamblot nang makarating ng one nautical mile mula sa Bajo de Masinloc.
“So dinikitan siya at from then on, hindi na siya binitawan. The entire presence ng BFAR vessel dito it was consistently shadowed by the Chinese Coast Guard vessel particularly this one – China Coast Guard 3105,” pahayag ni Tarriela.