BBM

PBBM sa mga Pinoy: Mahalin ang lenggwahe

August 1, 2024 Chona Yu 254 views

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Filipino na mahalin ang pambansang wika para makamit ang layunin ng pagkakaisa at mapalakas pa ang Filipino identity.

“Ang okasyong ito mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan na ang mga wikang minana nagtatanghal ng ating kahanga-hangang pagkakakilanlan bilang isang lipi,” pahayag ni Pangulong Marcos sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Dapat aniyang isapuso at isaisip ng mga Filipino ang pambansang wika para sa progresibo, malaya at nagkakaisang bansa.

“Ilan sa mga nabanggit ang pakinabang ng pagkakaroon ng wikang panlahat, ang malaking ambag nito sa pagkamit ng kasarinlan ng ating bansa at ang kapangyarihan nito na buksan ang ating mga mata at isipan sa kahalagahan, karanasan at kakayahan ng bawat isa,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang Proclamation No. 1041 noong July 15, 1997 na nagtatakada sa buwan ng Agosto bilang “Buwan ng Wikang Pambansa,” o National Language Month.

AUTHOR PROFILE