PBBM sa mga CES officers: Maging epektibo at propesyunal
HINAMON ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga natatanging Career Executive Service officers na lalo pang pag-ibayuhin ang pagiging lingkod-bayan at baguhin ang burukrasya para sa ikabubuti ng bansa at ng mga Filipino.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, binigyang diin nito ang mahalagang papel ng CESO na aniya’y nagsisilbing mga haligi sa pamamahala.
Ito anya ang humuhubog sa mga lider na nagtataguyod ng epektibo, episyente at propesyunal na sistema ng pamahalaan.
“So, to our newly appointed CESOs, as you join this esteemed group and reaffirm your duties to provide quality and faithful service to the people, I would like to remind you that you have also taken on the Herculean task of upholding the highest ethical standards in your career wherever it is that you are serving,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“The bar is set quite high every single day, and for a good reason: It is because your work affects millions of Filipinos and inspires generations beyond your tenure,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Kaya naman pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga awardee sa kanilang dedikasyon sa serbisyo-publiko at sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problemang nagpapahirap sa mga tao.
Hiling ni Pangulong Marcos sa mga kasamahang public servant, patuloy na isabuhay ang pagiging makabayan, mahusay, may integridad at spirituality sa lahat ng ginagawa para sa bayan.
“I challenge you to join me in reinventing ourselves as civil servants and the bureaucracy, to provide the stability and continuity that we will need for our long-term programs and visions for them to succeed,” dagdag ni Pangulong Marcos.