PBBM sa Kongreso: Pondo sa high priority projects tiyakin
HUMIHIRIT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez na tiyaking mapopondohaan ang high-priority projects ng administrasyon.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni National Economic Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag nang pulungin ang economic managers kasama ang mga lider ng Kongreso.
Ayon kay balisacan, sumang-ayon naman ang mga lider ng Kongreso sa hirit ni Pangulong Marcos.
Target kasi aniya ni Pangulong Marcos na mapalakas ang economic climate sa bansa para makamit ang food security at mapaganda ang imprastraktura.
“So, the overall agreement is that all these projects particularly those that are… have been committed with our development partners, our Official Development Assistance (ODA) as our sources of… ODA, these projects to the extent that they are so critical to achieving the socio and economic transformation that we are aiming or will be funded in 2025 and the President got that assurance,” pahayag ni Balisacan.
Ayon kay Balisacan, hindi napag-usapan sa naturang pulong ang ingay sa pulitika na likha ni Vice President Sara Duterte.
Tiniyak naman ni Balisacan na walang ipapataw na bagong buwis ang administrasyon para mapondohan ang mga proyekto.