PBBM RATING TUMAAS
UMANGAT ang public satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. noong buwan ng Hunyo.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, nakakuha ng 55 porsiyento si Pangulong Marcos.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 kung saan 1,500 ang respondents.
Ayon sa SWS, mas mataas ito kumpara sa 50 porsiyento na naitala noong Marso 2024.
Nasa 28 porsiyento lamang sa mga respondents ang hindi kuntento kay Pangulong Marcos. Mas mababa ito kumpara sa 31 porsiyento na naitala noong Marso.
Nakakuha ng malaking puntos si Pangulong Marcos sa Balance Luzon, na may +38, pati sa Metro Manila na may +30, sa Visayas na may +26 at sa Mindanao na may “neutral” +5.
Ayon sa SWS, kaya umangat ang rating ni Pangulong Marcos ay dahil natupad nito ang mga pangako na mapagaganda ang buhay ng mga Pilipino.
Sabi ng SWS, nagbunga na rin at nakuha na ng mga Pilipino ang mga benepisyo mula sa mga foreign trip ni Pangulong Marcos, kung saan nakahikayat ito ng mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas.