PBBM: PUV modernization program, tuloy!
HINDI pabor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa rekomendasyon ng 22 senador na suspendihin na muna ang implementasyon ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.
Sa ambush interview sa pagbubukas ng Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaption Measure sa Masantol, Pampanga, sinabi ni Pangulong Marcos na pitong beses nang naipagpaliban ang programa.
“I disagree with them because sinasabi nila minadali. This has been postponed seven times, the modernization has been postponed for seven times and those that have been objecting or have been crying out and asking for suspension are in the minority,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Eighty percent have already consolidated so papano naman if yung 20% ang magdedecide ‘yung buhay ng 100% so pakinggan natin ang majority at ang majority sinasabi ituloy natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng programa, pinabubuo ang mga drayber at operator ng isang kooperatiba para mapadali ang implementasyon ng programa.